Devin Francisco 5

806 75 6
                                    

Inaabangan n'yo talaga akong magkuwento sa inyo, ano?

Kasalukuyan akong nagluluto ng adobong chickemf na hinaluan ko ng maraming toyo ni Aurea saka oyster sauce na galing sa oyster niya.

Biro lang. Gusto ko talagang gawing wholesome ang librong 'to hanggang dulo.

Makangiwi kayo, ah? Hindi kayo naniniwala sa akin?

Alam ko namang sasabihin ninyong pasmado ang bibig ko't kung ano-anong kabalbalan ang sinasabi ko sa bawat kabanata nitong istorya ko.

Pasensya na dahil ganito talaga akong magsalita. Minsan kupal pero kadalasan matino naman akong kausap lalo na kapag kaharap ko ang mga kliyente.

Nagpapakatotoo lang ako. Sabi ko naman sa inyo, hindi ako ideal man. Malayong-malayo sa pagiging ganoon. Iyong mga ipinakikita at ipinararamdam ko kay Aurea ay 100% puro at walang halong chemical shit.

Madalas nga kaming nagkokontrahan sa mga maliliit na bagay. Siyempre, may gusto akong ayaw niya. Vice versa.

Kaya nga lagi akong sinusungitan n'on. Para bang laging may ipinaglalaban. Marami rin siyang hindi nagugustuhan sa pag-uugali ko.

May oras na napipikon talaga iyon, lalo na kapag seryoso siya tapos pabiro o pabalang akong sumagot. Sabi ko nga mag-Tulfo-han na lang kami para tapos na ang usapan. Ang immature ko raw tapos iirapan ako't hindi papansinin pero hindi rin naman ako natitiis.

Wala pang ilang oras, lalapit iyon sa akin tapos hihingi ng sorry, ipagluluto ako o 'di kaya nama'y susuhulan ako ng sex.

Tuwang-tuwa naman ako. Pero dahil binabasa n'yo ito sa Wattpad, sige, gagawin kong "making love" para hindi masyadong bulgar.

Bigla niyong naalala 'yong surpresa ni Aurea para sa akin kanina, 'no?

Pamura lang ako ng isang beses, ha?

Powtangnamoose na Fifty Shades of Grey iyan.

Bumili pala siya n'ong handcuffs at blind fold dahil gusto niyang maging wild naman.

Matagal-tagal na raw kasi siyang hindi nakapagbibigay ng magandang performance sa akin simula no'ng dumating si Oreo sa buhay namin.

Lagi raw kasi ako ang gumagawa at siya ang tagatanggap lang lagi.

Siya nagsabi n'on, ha? Hindi ako. Ni hindi nga ako nagrereklamo dahil wala namang kaso sa akin iyon.

Wala akong pakialam kung ako ang gumigiling o siya kasi pareho lang naman sa pakiramdam iyon, mga p're.

Tawang demonyo muna ulit.

'de, seryoso. Natatawa ako minsan kay Auring.

Napagsasabihan ko nga siya na huwag masyadong ma-pressure sa akin. Hindi naman required na lagi naming gawin iyon dahil hindi naman talaga iyon ang bumubuhay sa pagkatao ko.

Hindi naman ako matitigok kung hindi ko regular na madiligan ang asawa ko.

Ganiyan kasi kayo lagi mag-isip sa aming mga may betlog.

Por your inpormeysyon lang, hindi porke tingin ninyo ay mas mataas ang libido namin, ibig sabihin ay hahanapin na agad namin sa iba 'yon kapag hindi ninyo naibigay ang ligayang hinahangad namin.

Pero hindi ko rin naman kayo masisisi dahil marami naman talagang tarantadong pinipiling magloko para sa tawag ng laman.

Ang tawag doonmga walang balls. Kung mayroon man, kasing liit lang ng moth balls iyon.

Pagsinta (Unang Tamis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon