TAMIS 34

4.9K 330 136
                                    

"Merry na Christmas naman sa asawa kong topakin!"

Napangiti si Aurea nang makita ang kaniyang asawang may dalang bouquet at hindi bulaklak ang laman no'n kung 'di maraming blue peso bills.

Hindi naman siya mukhang pera pero manghang-mangha siya sa pagkakaayos no'n na para bang korteng bulaklak talaga ang bawat piraso.

Kaya pala paggising niya'y wala rito ang kaniyang mister ay dahil may hinanda naman pala itong pakulo para sa kaniya.

"Pambayad 'to ng bills sa susunod na taon pero ginawa ko lang presentable para kunwari sweet ako."

Natawa siya nang malakas bago tanggapin ang bouquet mula rito. Napayakap din tuloy siya nang sobrang higpit with matching pisil pa sa puwet nito.

Aminado siyang nakararamdam siya ng kilig sa mga simpleng pamamaraan ng kaniyang mister. Hindi man ito 'yong nakaluluhang klase ng pagpapakilig ay may kakaibang istilo naman ito sa pagpaparamdam na siya'y mahalaga.

"Thank you. Sobrang sarap sa eyes nito, Kuya Will," pagloloko niya rito. "Merry Christmas. Love you."

Tumingkayad pa siya para abutin ang labi nito. Isang dampi lang ang ginawa niya rito pero bakas sa mukha nito ang saya.

Hindi sila palaging nagsasabi ng I love you sa bawat isa dahil ayaw nilang magasgas agad ang mga salitang 'yon.

Gusto nilang ipakita at iparamdam na lang 'yon sa pamamagitan ng kilos at effort kaysa puro salita lamang pero wala namang gawa.

Sa maikling panahon, alam nilang punong-puno ng pagmamahal ang kanilang pagsasama.

Maraming masasaya, malulungkot, nakagagalit, nakapapagod, nakahahalina, nakalilibog, nakaiinis na mga sandali at kung minsa'y may oras na parang wala lang ang kanilang araw pero hangga't alam nilang kapiling nila ang bawat isa, nagiging makubuluhan pa rin ang lahat.

Akala niya noon, ang kaniyang pagbubuntis ang mas magpapatatag sa kanilang dalawa. Na ang kanilang supling ang magsisilbing tulay para sa maganda nilang relasyon.

Na ito ang magiging simula patungo sa kanilang kinabukasan.

Umpisa pa lang naman kasi ay alam niyang nagsasama lang sila para sa kanilang magiging anak. Hanggang sa hindi na lang nila namamalayang nahuhulog na pala sila sa isa't isa.

Hindi na mahalaga kung nauna man 'yong maramdaman ng kaniyang asawa at siya ang huling nakapagtanto no'n.

Ang mahalaga'y iisa na lang sila ngayon. At sabay na nilang tinatrabaho ang pagtutupad sa salitang habambuhay.

Kung may maganda mang naidulot ang pagkawala ng kanilang anak, iyon ay ang mas pinagtibay nito ang kanilang pananalig at pagsasama.

Muntik man niyang isuko ang kanilang marriage ay malaki ang kaniyang pasasalamat sa Diyos dahil naliwanagan din agad ang kaniyang isipan.

Doon niyang napagtanong si Devin ay sapat nang dahilan para ipaglaban ang pag-ibig na patuloy sumisibol sa kaniyang kaibuturan.

"Pupunta na rin pala sina Mee at Dee dito. Natawagan mo na rin ba sina Mama at Kent?"

Napalingon siya rito. Dito kasi napagpasyahan ng kanilang mga pamilya na mag-celebrate ng Pasko dahil ito ang magandang pagkakataon para magkasama-sama naman silang lahat.

At ito rin ang araw na sasabihin na nila ang planong pagpapakasal sa simbahan dahil wala pang ideya ang mga ito tungkol doon.

Naisip kasi nilang dalawang mas mabuti kung sa June sila ikasal para may oras pa para makapaghanda.

Pagsinta (Unang Tamis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon