Theme Song

331 13 0
                                    

PAGSINTA

Isang gabi ika'y nakita
Dahil sa kaibigang parehong kilala
Lasing ka na kaya't hinatid kita
Pero lahat ay nauwi sa iba

Hindi inaasahan na ito'y magbubunga
Araw-gabi, hinihintay ka
Walang gusto kundi ang alagaan ka
Oh, kahit masungit ka, ika'y aking sinisinta

(Chorus)
Ang pagsinta ko na kay tamis
Mahal kita, walang kulang, walang labis
May mga gabing 'di natitiis
Pero minsan ika'y naiinis
Pero ayos lang kahit na nananakit ka na
Ikaw pa ri'y aking sinisinta, walang iba

Walang pagsisisi sa gabing nangyari
Nakilala kita at ika'y naiuwi
Alam kong mabilis pero hindi ko mawari
Kung anong mahika ang sa aki'y sumagi

Hindi inaasahang ika'y mamahalin
Walang ibang gusto kundi mahalin mo rin
Aking sinta, ako'y dumadalangin
Na sana ako'y sinisinta mo rin

(Chorus)
Ang pagsinta ko na kay tamis
Mahal kita, walang kulang, walang labis
May mga gabing 'di natitiis
Pero minsan ika'y naiinis
Pero ayos lang kahit na nananakit ka na
Ikaw pa ri'y aking sinisinta, walang iba

(Bridge)
Ika'y sinisinta
Pangalan mo'y naiiba
Sa lahat ng nakita
Ikaw ay pinakamaganda

Matamis na pagsinta
Hindi matitibag, hindi mawawala
Basta ikaw ang kasama
Ang buhay ko'y kumpleto na

(Chorus)
Ang pagsinta ko na kay tamis
Mahal kita, walang kulang, walang labis
May mga gabing 'di natitiis
Pero minsan ika'y naiinis
Pero ayos lang kahit na nananakit ka na
Ikaw pa ri'y aking sinisinta, walang iba

(Outro)
Ikaw ang sinisinta
Walang iba

♡♡♡

P.S. Kung sino mang gumawa at nag-send nito dati, maraming salamat. Hindi ko na matandaan kung sino ka pero natuwa ako kasi nahagilap ko 'to sa Notes ko. Ang ganda ng lyrics, bagay na bagay sa novel. Again, thank you. ❤

Pagsinta (Unang Tamis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon