Devin Francisco 3

989 88 14
                                    

Sinundan n'yo talaga ako hanggang dito sa talyer?

Ipakikilala ko na lang kayo kina Kuya Paslo, Kuya Ronald at ang isa naming bagong tauhan na si Kuya Jack. Sila 'yong mga highly skilled mekaniko at mga taong mapagkakatiwalaan namin simula pa noong si erpats ang nagma-manage nitong buong shop.

Hindi na rin sila ibang tao para sa akin. Simula noong ako na ang nagpatakbo rito, siniguro kong ituturing ko silang katropa o di kaya nama'y kamag-anak at hindi basta mga tauhan lamang. Ganoon din ang palaging pinapaalala ng tatay ko sa akin.

Nanggaling din naman kasi si Daddeh sa simple't payak na pamumuhay. Hindi naman siya gumising na rich as fuck na agad.

Mekaniko si Lolo noon tapos si Lola nama'y butihing maybahay. Naghanap talaga ng paraan ang magaling kong tatay para maitaguyod kami ni Mameh.

Ilang taong pagsasakripisyo ang kinailangan niyang gawin para lang mabigyan kami nang maayos-ayos na buhay.

Nagkataong sinuwerte siya sa pagnenegosyo noong high school student pa lang ako hanggang sa naging spoiled ako.

Kaunti lang naman. Unico hijo, eh.

Kahit 'yong si Oreo, sisiguraduhin kong spoiled—sa pagmamahal. Hindi sa pera, siyempre. Ano siya, sinusuwerte?

Baka ipang-chicks lang niya 'yong allowance na ibibigay ko sa kaniya paglaki tapos ako pa pala magbibigay ng pambili ng condom niya, ano? Ayos.

Tuturuan ko na lang ng withdrawal method para makatipid.

Oo na, oo na. Isang beses lang ako sumablay sa ganoon, ah? Kay Aurea naman kaya hashtag super blessed ako.

"Boss, mukhang may hangover tayo, ah?" pang-aalaska ni Kuya Paslo sa akin. Sumaludo naman ako sa kaniya bago ko hinubad ang suot kong t-shirt at isinampay sa kaliwa kong balikat.

"'langya kainuman ko, Kuya. Taob ako, eh," natatawa kong sagot, pakamot-kamot pa sa kanang pisngi. "Pakiramdam ko'y tumatanda na talaga ako. Noong binata pa ako, kahit dalawang gabing straight na wala akong tulog, kinakaya ko naman. Ngayon, powta, ah basta, tenk yu pa rin, Lord!"

Tumawa silang tatlo bago ako nagsimulang pagmasdan ang binubuo kong makina. Parang tinatamad akong gawin 'to ngayon, ah?

Mahapdi pa rin ang mga mata ko dahil treinta minutos lang yata ang naitulog ko kanina.

Nangmatapos kasi ang shift ni misis, ipinaghanda ko pa siya nang makakain, nagligpit pa ako bago ako nagpasyang matulog.

Nananaginip pa nga ako kanina tungkol kay Deadpool na hinahabol ni Godzilla nang bigla kong narinig na umiyak si Biskwit. Pagkalingon ko kay Aurea, nakatulog na rin pala ito sa may gilid ng kama.

Wala na akong nagawa kung 'di bumangon para buhatin si maligalig. Hinele ko muna siya ng maraming beses bago ito muling nakatulog.

Hindi ko na inistorbo si Aurea dahil pagod ang utak n'on sa kakatrabaho kagabi.

Pakiramdam ko talaga'y nagmana sa akin 'yong si Oreo. Noong baby raw kasi ako, sabi ni Mameh sobrang kulit ko raw at madalas akong iyakin lalo na sa gabi.

Lagi ko raw kasi hinahanap 'yong dede niya. Pucha, huwag n'yo nang imagine-in. Ayan na naman kayo, eh. Siyempre breastfed ako kaya ganoon talaga.

Two years old na rin daw ako tumigil sa pagsuso sa aking ina. Si Oreo, two years old na rin pero medyo naninibago pa rin siya kapag sa feeding bottle pinadedede. Parang wala na rin kasing lumalabas na gatas mula sa siopao ng asawa ko.

Pagsinta (Unang Tamis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon