TAMIS 20

5.1K 365 198
                                    

Nakipagtagpo si Aurea sa kaniyang kaibigan na si Phoebe sa isang coffee shop matapos niyang gumawa ng tatlong sunod-sunod na kabanata para sa kaniyang istorya. Nababagot kasi siya sa apartment dahil wala siyang makausap doon.

Nasa talyer si Devin at sinabi nitong gagabihin ito ng uwi dahil may tatapusin pang i-tune up na makina ng isang kakilala nilang mahilig mangarera sa Batangas.

Ang nanay naman niya ay nasa kumare nito ngayong araw sa Maynila kaya wala siyang ibang maisip na puntahan.

"O, ano naman ang kawindang-windang doon? Asawa ka naman niya, friend. 'di ba sabi ko naman sa 'yo noon na posible naman talagang mangyari 'yon lalo pa ngayong araw-araw na kayong nagkakasama?" sabi nito, sumimsim pa ng kape mula sa tasa.

Naikuwento niya kasi rito ang pagbanggit ni Devin ng "I love you" sa kaniya bago may mangyari sa kanila noong isang gabi. Hindi man gaanong malinaw ang pagkakabigkas no'n ay sapat na para marinig niya iyon.

Gusto niya sanang komprontahin ang lalaki ngunit masyado silang lulong sa sarap ng gabing 'yon. Inabot pa nga sila nang madaling-araw dahil parang hindi ito nauubusan ng lakas.

"What if nasabi lang niya 'yon kasi pumayag akong makipag-ano sa kaniya?"

Siya naman itong napainom ng mango shake na inorder niya at sumubo pa ng fries pagkatapos.

Nilunok muna niya 'yon bago nagsalitang muli.

"Never siyang nagkaroon ng seryosong girlfriend, Phoebe. Never nga yatang na-in love 'yon. So baka panibago sa pakiramdam niya 'yong setup namin ngayon kaya niya nasabi 'yon."

"Alam mo, ang shunga mo rin, ano? Sobrang nega lang, Au?"

Kumuha muna ito ng chips bago luminga-linga sa paligid at muling tumingin sa kaniya.

"Iyon na nga mismo! Hindi naman inosente 'yang asawa mo para hindi ma-distinguish ang libog at pagmamahal, 'no? Saka sa lahat ng in-ay lab yu-han, ikaw ang pinakatakang-taka."

Napahaplos siya sa buhok niya bago huminga nang malalim.

"Nakatatakot kasi. Alam mo 'yon? Ngayon ko lang naiisip na what if pagkalabas ni baby, ma-realize niyang hindi pala talaga siya prepared at hindi niya pa pala gustong umalis sa pagiging binata talaga?"

Narinig niya ang pag-tss ng kaibigan bago umiling-iling.

"What if your face. Kung tutuusin nga, si Devin pa ang lugi sa 'yo. Imagine, inanakan ka na, pinanindigan ka na, pinakasalan ka na't lahat, tapos ngayon sinabi pang mahal ka niya pero ikaw, ano'ng ginagawa mo ngayon? Nagpapaka-nega!"

Napalakas ang boses nito kaya tinakpan niya ito gamit ng tissue pero agad naman nitong tinabig ang kaniyang kamay.

"Ito nga, ikaw naman ang tatanungin ko. Sumagot ka nang totoo, ha? Mahal mo rin ba?"

Napatingin siya sa paligid, iniisip kung an'ong dapat niyang isagot dito. Uminom ulit siya mula sa baso bago tumingin nang diretso sa kaibigan.

"Masaya siyang kasama, inaalagaan niya ako, pinatatawa niya ako, sweet siya kay baby, masipag din siya, ma-diskarte. Hindi ko sigurado kung mahal na ba ang tawag doon. Ilang buwan pa lang naman kaming magkakilala. Hindi ko—"

"Wala sa tagal o ikli 'yon, 'di ba? Gaga ka ba? Walong taon nga kayong nagsama ni Pierre noon pero ano'ng nangyari?"

Pinagkrus nito ang mga braso habang nagtataas-baba ng kilay.

"Kaya nga parang natatakot ako. Ayaw kong maulit 'yon, siyempre," pangangatuwiran niya.

Magsasalita pa lang sana siya nang makitang pumasok mula sa glass door ang katropa ni Devin na si William Angeles. May kasama itong matangkad at maputing babae na halos pumutok na ang katawan sa sobrang fit ng suot nito.

Pagsinta (Unang Tamis)Where stories live. Discover now