Devin Francisco 6

631 60 1
                                    

Huwag ninyo akong tapikin.

Bakit ba kasi?

Ay, ang kulit. Natutulog pa 'yong tao, eh.

"Dev? Si Mama tumawag sa akin." Teka parang boses ng misis ko iyon. "Dev? Gising ka na muna. Si Owwy kasi"

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga at agad kong nilingon si Aurea na mukhang aligaga ngayon. Napapadalas na yata ang pagiging nerbyoso ko.

Hindi ko maiwasang mag-aalala nang marinig ko ang pagbanggit niya sa pangalan ni Biskwit. Minsan praning din kasi ako kapag 'yong anak namin ang napag-uusapan. Tapos 'yong boses pa ni Au, parang urgent at may emergency.

Nagmuta muna ako tapos inayos ko pa nang kaunti 'yong buhok ko. Basag pa ako, eh. Tiningnan ko rin ang orasan at napansin kong mag-a-alas dose na pala ng gabi.

"Ano'ng mayroon kay Owwy? Bakit daw tumawag si Mama?" tanong ko bago ako tumayo't lumapit sa cabinet para maghagilap nang maisusuot.

Parang may ideya na kasi ako kung bakit kaya nga nagsusuot na ako ngayon ng damit panlakad. Simpleng black shirt lang naman at Navy blue shorts. Hindi ko na nga naisip agad ang maghilamos at mag-tutbras.

Fresh as fuck pa rin naman ako.

"May lagnat daw kasi si Owwy. Sumuka pa ng dalawang beses tapos iyak nang iyak. Okay naman siya bago ko ihatid doon. Feeling ko na-mi-miss niya tayo o baka hinahanap-hanap tayo. Or baka may something wrong talaga," may bahid ng pag-aalala niyang kuwento sa akin.

Lumingon ako kay Au at nakita kong pahirapan siyang magsuot ng bra sa kamamadali kaya lumapit na ako para tulungan siyang ikabit ang hook n'on.

Sunod kong kinuha ang wallet ko at susi ng oto ni Aurea sa may side table bago ko kinuha 'yong bag niyang nakasabit doon sa lagayan ng mga bag na binili niya sa Shopee.

At pati iyon sinabi ko sa inyo para may ideya kayo na lahat ng kagamitan namin dito ay sponsored ng Siyapee.

Iyong asawa ko kasi may pagkamakalilimutin talaga. Sa dami sigurong iniintinding trabaho at gawaing bahay, nakaliligtaan na niya ang ibang maliliit na bagay.

Ganoon din ako minsan lalo na kapag lutang ang isipan ko. Iyon naman ang advantage n'ong may katuwang ako sa buhay.

Pinaaalalahanan ako palagi, inaasikaso 'yong mga bagay na hindi ko na magampanan, may substitute kapag may importanteng errand tapos hindi ko magagawa iyon.

At higit sa lahat, may lambing ako sa tuwing kakailanganin ko. Pero sa kaso namin ni Auring, lagi naman akong nilalambing n'on kahit pa nagsusungit-sungitan iyon sa akin.

"Ngayon lang daw nilagnat? Nilagyan mo ba ng Off lotion bago mo inihatid doon? Marami kasing lamok ngayon dahil maulan nitong mga nakaraang araw. Hindi rin daw nila mapatahan ni Tita Jing? Baka naman kinabagan o may nakaing hindi maganda?" sunod-sunod kong sabi habang pinagmamasdan siyang magsuot ng mabalahibo niyang pink na pantulog na may rabbit at carrots pang disenyo.

Komportable siyang umalis nang nakaganito lang. Katuwiran niya'y nasa loob lang naman daw siya ng kotse at walang ibang makakakita sa kaniya.

Mabuti na nga lang at nakinig na siya sa aking magsuot ng bra kahit malapit lang ang lakad namin.

Dati kasi, bumibili iyon sa tindahan sa may labas ng subdivision namin nang walang suot na pantakip sa suso. Nainis ako no'ng pag-uwi niya kasi nahalata kong bumabakat 'yong mga utong niya roon.

Eh 'di nangatuwiran na naman ang bata. Kulay itim naman daw ang shirt niya kaya hindi na halata. Kung hindi iyon halata, bakit nakita ko pa rin?

O, sasabihin n'yo na namang manyak kasi ako kaya ganoon? Hind, uy. Concerned citizen at mister lang talaga ako.

Pagsinta (Unang Tamis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon