TAMIS 18

4.8K 354 163
                                    

Stage 3 Gutom, 'yan ang findings ni Devin sa kaniyang sarili.

Hindi naman niya intens'yong pag-alalahanin nang sobra ang asawa dahil sa pagkakahimatay niya kanina sa harapan nito.

Akala niya kasi ay kaya niyang tiisin ang pagkahilo habang naghihintay na maluto ang tinolang manok pero dala na rin siguro ng puyat at pagod niya nitong mga nakaraang araw ay tuluyan nang bumigay ang kaniyang katawan.

Gusto niyang matawa at ikahiya ang sarili sa nangyari pero heto ang misis niyang kuntodo asikaso sa kaniya na para bang mayro'n siyang malalang sakit.

Ni hindi nga ito nagalit nang biruin niya ito ng, "Sino ka?" noong nagising siya.

Abot langit nga siguro ang pag-aalala nito sa kaniya.

"Huwag ka munang pumasok bukas, ha? Wala ka pa kasi masyadong pahinga," malambing na saad nito habang nagliligpit ng kaniyang pinagkainan.

Sanay naman siyang maging aligaga sa maraming bagay kahit noong wala pa si Aurea. May oras pa rin naman siya n'on para magliwaliw at mag-inom kasama ang mga katropa pero iba na ang sitwasyon ngayon. Hindi na siya solong katawan kung 'di dalawa na sila. Tatlo pa nga.

"Pupunta lang ako saglit sa talyer mamaya kasi kukuhanin na no'ng isang customer 'yong oto niya. Ako kasi ang kausap no'n."

Bukod kasi sa pag-aasikaso at pagsama kay Aurea sa mga lakad nito ay abala rin siya sa talyer, trabaho at iba pang negosyo.

Kung puwede nga lang hatiin ang kaniyang katawan ay ginawa na sana niya. 'yong kalahating ibabaw ay para sa ibang bagay, habang ang ilalim na parte naman ay para kay Aurea lamang.

Sumimangot ito bago umirap.

"Ang tigas naman ng ulo. Kapag ako ang pinagsasabihan mo, nakikinig ako. Pero kapag ikaw," panenermon pa nito.

Napangiti naman siya dahil sa ganitong paraan siya nakakukuha ng lambing mula sa babae.

Hindi naman niya inaasahang magiging sweet ito sa kaniya dahil natural sa pesonalidad nito ang pagiging mataray. Kahit ganoon ay natutuwa siya rito dahil hindi nagiging boring ang mga araw nila.

Palagi silang nagkokontrahan kaya lagi rin silang may pinagdidiskusyunan.

"Ganito na lang, sumama ka na lang sa akin sa talyer para makasiguro kang seyp ako't hindi magpa-planking sa harapan nina Kuya Paslo roon," biro niya pa.

Narinig na naman niya ang pagbuntong-hininga nito bago tumingin sa kaniya nang masama.

Ayos lang naman talaga ang pakiramdam niya. Mas grabe pa nga ang pagkakawalan ng malay niya noong kolehiyo pa siya lalo na kapag nalalapit na ang finals.

Kapag napupuwersa siya ng sunod-sunod na araw o linggo, normal na humihina rin ang kaniyang katawan.

Patayo na sana siya nang bigla siyang batuhin ng potholder ng asawa. Sumakto pa 'yon sa kaniyang bibig.

"Diyan ka lang! Ipaghahanda pa kita ng tsaa!"

Aangal na sana siya pero bigla na lamang siya napatawa dahil sa ikinikilos nito. Kung ganito ba naman palagi ay handa siyang mahimatay araw-araw.

"Tsaa talaga? Ang lakas maka-healthy living, ah? Wala bang alak diyan?"

Muli siyang sinamaan nito ng tingin habang naglalagay ito nang mainit na tubig sa kaniyang tasa.

Doon niya napagtantong hindi man ito mahinhin at parang palaging may ipinaglalaban ay may naitatago naman itong konsensya at pagmamalasakit sa kaniya.

Pagsinta (Unang Tamis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon