TAMIS 30

4.9K 351 143
                                    

Hindi maalis ni Aurea ang pagtatakang nakapinta sa kaniyang mukha habang nakikinig sa pagkukuwento ng kaniyang kaibigang si Phoebe.

Alam naman niyang matagal na nitong natitipuhan ang kaibigan ng kaniyang asawa ngunit hindi niya akalaing magkakasama ang mga ito sa ganoong paraan.

At nandito pa mismo sa kanilang pamamahay.

"Akala ko kasi jutay lang ang lolo mo, friend! Hindi naman ako na-inform na kaya naman pala maraming nagkakandaloko roon ay dahil pinagpala naman palang tunay!" masiglang kuwento nito bago pumalakpak ng ilang beses. Tila proud na proud pa sa lalaki.

Napailing na lamang siya.

"So what? Kahit pa kasing haba ng ruler 'yon. Alam mo naman kung anong klaseng lalaki si William. Alam kong magkaibigan sila ni Devin, pero 'di bale sana kung magbago nga 'yon," panenermon niya.

Totoo naman ang kaniyang sinabi dahil ni minsan ay hindi naman daw nabalitaan ng kaniyang mister na nagseryoso si William sa kahit sino mang babaeng nakakasama nito.

Wala naman silang magagawa kung ganoon talaga ang lalaki, pero ibang usapan ngayon dahil ang kaibigan niya ang kasulukuyang biktima nito.

Umirap at ngumibit si Phoebe sa kaniya.

"Heto na naman po ang negatron ng buong bayan. What do you think of me? Thinking of you? Charness! Siyempre alam ko kung ano'ng gagawin ko, Au. Sasabayan ko lang ang trip ng lalaking 'yon."

Hindi na lang siya sumagot. Kunsabagay mas mautak naman itong kaibigan niya kaysa sa kaniya noon.

Marami na rin naman itong nakasalamuhang lalaki kaya hindi na bago ang ganitong pangyayari para rito.

Napalingon sila nang marinig ang pagbubukas ng main door kaya iniba na lang muna ni Phoebe ang usapan.

Umayos pa ito ng upo bago pa-demure na uminom ng juice sa baso.

Tingnan mo nga naman. Madalas itong "wapoise" pero nakasama lang si William Angeles ay umarte nang mahinhin ito.

"Ano'ng mayroon dito? Kami na naman ang pinag-uusapan ninyo, 'no?" sabi ng chickboy na kasama ng kaniyang asawa.

Napako ang tingin niya kay Devin na mukhang balisa ngayon. Marahil ay naiirita pa rin dahil sa naudlot nilang ginagawa kanina. Kahit naman siya ay nadismaya pero puwede naman nilang ituloy 'yon mamaya.

"Ano'ng gusto ninyong pagkain?" tanong ng asawa habang nakatingin sa kanila ni Phoebe bago kay William. "Magluluto na lang ba ako o magpapa-deliver ka tutal ikaw naman 'tong nagpresintang pumunta rito?"

"Bakit ako? Binisita na nga kita! Nangungumusta na nga lang kami sa inyo, kami pa gagastos?" Hindi sumagot ang Devin kaya sa kaniya napatingin si William. "Au, kumusta? Hindi ka naman binibigyan ng sama ng loob nito?"

Itinuro pa nito si Devin.

Umiling siya, "Hindi pa naman siya gumagaya sa 'yo."

Napa-"Ohh!" si William bago tumawa nang malakas si Phoebe. Si Devin naman ay nakangisi ngayon habang nakatingin sa kaniya.

"Hindi ko ikayayaman kapag tumulad ako riyan sa gunggong na 'yan," prenteng sagot ng kaniyang mister.

Tila nabara si William Angeles dahil sa mga sinabi nila kaya bigla itong napaupo sa tabi ni Phoebe. Habang ang kaniyang kaibigan naman ay tahimik lamang sa tabi nito, mukhang may malalim na iniisip.

Kinuha niya ang kaniyang bluetooth speaker para magkaroon naman ng buhay ang buong bahay.

Kumuha rin muna siya ng puwedeng ngatain habang hinihintay ang food delivery.

Pagsinta (Unang Tamis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon