Devin Francisco 4

970 84 4
                                    

Umamin kayo. Pinagtawanan n'yo ako, ano?

Kamumulat ko pa lang tapos nakaabang na kayo agad sa mga mangyayari? Pagkatapos ko kasing sumigaw kanina, bigla na lang nandilim ang paningin ko. Hindi sa inyo, ha? Literal na nandilim ang paningin ko't nanlamig na rin ang pawis ko. The rest is history.

"Dev? Uminom ka muna ng water, oh," boses ni misis iyon. Nag-abot siya sa akin ng basong punong-puno ng tubig. Naubos ko nga agad iyon. "Umuwi na muna tayo para makapagpahinga at makatulog ka rin. Hindi ka rin naman makakapagtrabaho nang maayos niyan."

Dahil masunurin ako, tumango ako't pinilit na ngumiti. "Sorry. Aym payn. Aym payn, guys."

Napansin ko kasing nakapalibot na rin sina Kuya Paslo rito sa loob ng opisina. Diyahe lang dahil ang angas kong lalaki tapos bigla-bigla akong nag-collapse sa harapan ni misis. Nasaksihan pa iyon ng mga tao namin dito.

Kumusta naman 'yong pride chicken ko nito, mga p're?

Hindi pa rin lumalabas sina Kuya Paslo kaya natawa ako.

"Worried naman kayo masyado sa akin. I'm so touched by touch," sabi ko na lang. Eh 'di nakatawa na rin sila. Masyadong seryoso kanina, eh.

"Boss, kami nang bahala rito. Itatawag na lang namin sa iyo kung may kailangan kami," si Kuya Ronald ang nagsalita. Nag-aprub na lang muna ako, may kasama pang ngiting aso iyon.

Umupo ako nang tuwid para isuot 'yong t-shirt kong nakasampay na sa may silya. Si Au naman, nasa gilid ko na para himasin ang likod ko.

Idinikit pa niya 'yong ibabaw ng kamay niya sa may leeg ko para tingnan kung inaapoy ako ng lagnat.

"Hindi ka naman mainit. Ano'ng nararamdaman mo? May masakit ba sa 'yo?"

Bago ako sumagot, tumingin muna ulit ako kina Kuya Paslo. Nakikinig sila, eh. Diyahe namang magpalambing sa asawa ko kung may audience pa. Siguradong sisipol ang mga 'to at tutuksuhin kami.

PBB Teens lang, mga Kuya?

Para bang nakaramdam sila kaya lumabas na sina Kuya Paslo and prends.

Pagkasara nila sa pinto, agad akong sumandal at yumakap sa mabango kong misis. Itinapat ko pa ang mukha ko sa kaniyang dibdib.

Ang lambot n'on sa pakiramdam kaya umungol ako. "Nakaka-relax naman dito. Hindi na ako nahihilo. Okay na okay na ako."

Narinig ko ang mahina niyang tawa bago niya hinaplos ang pisngi ko. "Puro kalokohan talaga? Halika na, Daddy. Umuwi na tayo. Si Jazzy na lang ang gamitin natin. Ako nang magda-drive for you."

Napaayos ako ng upo. Jazzy ang pangalan ng kotseng ibinigay ko sa kaniya noon. Hindi naman sa nagrereklamo ako dahil gusto ko namang maranasan talagang maipagmaneho ako ni Aurea.

Pero kinabahan ako bigla.

"Mommy, nagasgasan mo si Jazzy last week. Noong isang buwan, nakaatras ka ng tricycle sa may National Highway. Two months ago, nabunggo mo 'yong poste ng Meralco malapit doon sa subdivision natin," pagkukuwento ko bago ko sinubukang tumayo pero muli akong napaupo dahil naging colorful nang kaunti ang aking paligid.

Tumayo siya sa harapan ko't pumaywang pa. "So, wala kang tiwala sa akin?"

Ops, wrong move yata tayo, mga tsong.

Inabot ko ang isa niyang kamay bago ko hinalikan iyon. Nang magtamang muli ang tingin namin, bigla akong napangiti.

"Sabagay, kami rin naman pala ang gagawa kapag nagasgasan mo ulit 'yong oto mo. Libre labor ka na, ang guwapo pa ng Chief Mechanic, 'no?"

Pagsinta (Unang Tamis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon