TAMIS 14

5K 386 202
                                    

Hindi mapigilan ni Aurea na mapangiti habang pinanonood si Devin na sumasayaw nang suwabe sa kantang BMW ng Because. Sinabayan pa nito ang lyrics na animo'y rapper ito. Bumagay naman dahil maganda ang singing voice nito.

Palaging ganito ang lalaki kapag maganda ang wisyo lalo na ngayong alam na nila kung ano'ng kasarian ng kanilang anak.

Dumoble pa ang kayabangan nito noong sinabi sa mga katropang nakabuo ito ng lalaki. Katas daw ng isang Devin Francisco 'yon. Sinunod daw kasi nito ang mga tips sa Google kung paano makabubuo ng baby boy.

"Sa loob ng aking BMW sedan. Fuck, fuckin' sa 'king BMW sedan. Ang hiling 'di malagot na masilip sa loob," pagkanta pa nito habang gumigiling na parang macho dancer papalapit sa kaniya. "Sa loob ng aking BMW sedan dan."

Napataklob siya ng mukha dahil sa lyrics ng kanta. Kaya naman pala paborito nito ang BMW ay dahil sa kantang iyon. Bukod doon ay gusto rin talaga nitong bumili nang ganoong kotse kapag nakakuha ng malaking proyekto rito sa talyer.

Pagkatapos ay i-a-apply daw nila ang lyrics ng kanta sa totoong buhay.

Ang landi talaga, isip niya.

"Huy! Tumigil ka nga! Baka makita ka nina Kuya Paslo!" pagsaway niya rito.

Nandoon kasi sila sa talyer dahil hiniling ni Devin na roon muna siya manatili. Magpapakain at magpapainom din kasi ito mamayang gabi dahil mahalaga raw ang araw na ito para sa kanila.

"Ano pa ang ikahihiya ko? Nandiyan na nga iyan oh," pagturo pa nito sa kaniyang tiyan.

Napairap naman siya. Lagi na lang itong pilosopo at may pambara sa tuwing may sinasabi siya.

Nakasanayan na rin naman niya ang ugali nito. Katuwiran niya'y mas maayos na 'yon kaysa palagi siyang pinaiiyak.

"Boss, may magpapa-check daw ng makina," sabi ni Ronald, ang isang tauhan sa talyer.

Napalingon sila sa isang kotseng nakaparada sa labas. Puno na kasi ang paradahan sa loob dahil maraming nagpapagawa rito.

Nilapitan din naman agad 'yon ni Devin kaya naiwan muna siya roon sa sulok. Siya naman ang nagpatugtog ng mga wholesome RnB songs. Iyong playlist kasi no'ng isa ay puro pang-romansa.

Ano pa ba ang aasahan niya sa isang lalaking mas maharot pa sa kaniya?

Tumapat siya sa electric fan dahil nasira ang aircon sa loob ng opisina kaya rito muna siya sa labas para mapreskuhan kahit papaano.

Marami rin namang biniling pagkain si Devin para sa kaniya kung sakaling gutumin siya. Mabuti na lang din dahil dala niya ang kaniyang laptop para makagawa siya ng kahit isang kabanata man lang sa kaniyang istorya.

"Au, teka lang. Asikasuhin ko lang 'yong customer sa labas, ha?" paalam nito sa kaniya kaya napalingon siya sa kinatatayuan nito.

Napapikit pa siya nang kaunti dahil nasilaw siya sa sinag ng araw na tumatama sa puwesto niya.

"Go lang, magta-type lang ako rito." Nag-thumbs up pa siya bago ibinalik ang atensyon sa laptop.

May bago na naman siyang naisip na eksena na ilalagay niya sa susunod na kabanata. Sakto namang masaya ang mood niya ngayon kaya tuloy-tuloy ang pasok ng magagandang ideya sa kaniyang isipan.

"Bro, upo ka muna rito. Mainit kasi roon sa labas."

Boses iyon ni Devin.

Hindi naman siya lumingon dahil tutok ang kaniyang mga mata sa screen ng laptop. Narinig niya lang ang pag-isod ng upuan sa bandang likuran niya kaya napalingon siya roon para malaman kung dapat ba siyang mag-adjust o hindi.

Pagsinta (Unang Tamis)Where stories live. Discover now