TAMIS 22

4.9K 376 193
                                    

"Mee, mukhang pinaghandaan mo 'tong si Au, ah?" panunukso ni Devin sa ina habang tintingnan ang mga pagkain sa ibabaw ng mesa. Natawa tuloy sila ni Lallie sa sinabi nito.

"Aba! Mukhang masarap lahat, ah? Day off mo muna ngayon, Inday," pagtukoy sa kaniya ng asawa habang nakahawak ito sa kaniyang baywang.

Tila naglaway siya nang makitang may Paella Negra at garlic buttered shrimps na nakalatag sa kanilang harapan. May chicken kaldereta rin at Tomato Basil Penne Pasta pa.

"Of course. Nandito ang paborito kong daughter-in-law," sabi pa ni Lallie bago sila umupo sa harap ng hapagkainan.

"Huwag kang mahihiya, hija," dagdag pa nito kaya napangiti siya't sumagot ng opo.

Si Devin naman ay agad siyang nilagyan ng pagkain sa pinggan.

"Malamang paborito mo talaga itong si Au. Wala naman akong ibang asawa para maikumpara mo sa kaniya," pamimilosopo ng katabi niya na ikinatawa naman ni Mrs. Gamez.

Gamez na kasi ang apelyido nito dahil nakapangasawa ulit ito ilang taon matapos makipaghiwalay sa ama ni Devin.

"Iyan, kumain ka nang kumain para busog 'yang anak ko," sabi pa ni Devin bago naman lagyan ng laman ang pinggan ng sariling ina.

"Ganiyan 'yang si Devin, Aurea. Bata pa lang eh puro kalokohan na kaya aliw na aliw kami ng ama niyan," masiglang pagkukuwento ni Mrs. Gamez.

Napalingon tuloy siya sa katabing nakangisi na ngayon.

"Minsan nga para lang kaibigan turing sa amin niyan pero kapag pinagsasabihan namin, bigla namang sobrang rumerespeto sa amin," dagdag pa nito.

"Ganoon talaga. Gurang na nga kayo tapos gurang pa trato ko sa inyo, 'di ba? Dapat cool lang para hindi napaghahalatang tumatanda na kayo," balasubas pa nitong sagot. Napatawa tuloy sila nang malakas. "Tawa kayo nang tawa riyan. Kumain na muna tayo."

Habang nagkukuwento ni Mrs. Gamez tungkol sa childhood ng anak ay panay din ang kaniyang kain sa mga putaheng niluto nito para sa kanila.

Sobrang sarap naman kasi ng mga inihanda nito kaya talaga namang solved sila ng baby niya.

Ang ganda pa ng pakikitungo nito sa kaniya kaya naging komportable na rin siya sa pagkukuwento tungkol sa kaniyang pamilya, sa kaniyang pagbubuntis at sa pagsasama nila ni Devin biglang mag-asawa.

Panay naman ang sabat ng kaniyang mister sa tuwing naririnig ang sariling pangalan. Pakiramdam kasi nito'y pinagkakaisahan siya.

Pero sa tuwing nakaririnig naman ng papuri ay todo pagmamayabang naman ito sa kanila.

"Wala 'yang ipinakilalang girlfriend sa amin ni Roman dati," pagpapatuloy ng ina.

Ang Roman na tinutukoy ay ang dati nitong asawa at ama ni Devin.

"Pero laking gulat namin noong college pa 'yan, nahuli naming may kasamang babae sa kuwarto—"

Naputol ang sasabihin nito dahil sa pagsigaw ni Devin ng "Oy!"

"O, bakit? Totoo naman, ha? Tapos ang bastos pa no'ng babae kasi hindi man lang kami pinansin," paliwanag pa ni Lallie.

Napalingon siya sa katabi at bakas sa mukha nito ang pagpipigil ng tawa.

"Dati pa 'yon. Panahong adventurous paaray! Mameh, oh? Battered husband talaga ako!"

Pinisil niya kasi ang braso nito.

Hindi naman kagulat-gulat dahil alam naman niyang marami na ring dumaang babae sa buhay nito pero hindi na kailangang ipagkalandakang adventurous ito dati.

Pagsinta (Unang Tamis)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon