Chapter 2

723 36 2
                                    

JANIVA



"I'm Torren Silvestre."


Pakilala ng isa sa apat na kasama nina kuya. Kasama na ako ngayon sa tagayan nila at napaka fresh ko dahil bagong ligo lang pero mamaya lang nyan dugyot na din ako katulad ni kuya Ivorill na lasing na lasing na talaga.


Gwapo naman itong si Torren halatang mayaman at babad sa gym dahil sa hulmahan ng katawan nya. Pero mukang womanizer ito kaya iwas tayo dyan.

Ngumiti naman ako sakanya bago sumagot.

"Nice to meet you Torren" at nag shakehands kami.

Sunod naman nag pakilala ang katabi nya.

"Casper Gray... " ngumiti ito ng pag katamis tamis sakin ghad! Saksakan ng gwapo!


"You can call me Cassy mars" dagdag na sabi nya na nag pa nganga sakin. Bigla kasing tuminis ang boses nya at alam nyo na ibig sabihin nyan.


Tinawag akong mars! hay buhay kung sino pa ang pinagpala sa kagwapuhan hanap nya din ay papabels.

Pero shet. Ang gwapo nya din e pero di ko agad nahalata kanina na sirena pala ito. Napaka manly ng awra nya na parang walang bahid ng pagkabakla.


"A-ahm nice to meet you too" nahihiyang sambit ko. Sayang talaga SAYANG SYAA!


Sumunod naman nag pakilala ang lalaking kanina pa gustong gusto titigan ng mga mata ko.

Shemss he's really hot.




Really




Really






Hot.


Ngingitian ko na sana yung lalaki ng biglang bumulong si Cynas sa tabi ko.


"Kalma mo panty mo teh, gay yan"



Para akong hinampas ng dos por dos sa ulo. Nanghina ako sa binulong ni Cynas. Sabi ko na nga ba e may something talaga sa lalaki na to.


Kaya pala iba tono ng pananalita nya kanina. Pero why!? Baket sya lord!? Binigay mo nalang sana saakinnn why naman ginawang bahaghari!



"Hi Jani" nakangiti nyang sabi na ikinatunaw ng puso ko.

Piste Janiva gay nga yan umayos ka nga!


Ngumiti nalang rin ako sakanya.


"Hi" tipid kong sabi.


"I'm Quinjel Valtesco" pagkasabi nya non ay iniabot nya din ang napakaganda nyang kamay. At syempre ako naman ay agad na nakipag kamay.

Ang lambot ng kamay nya. Daig pa yung saakin huhu.

"He's our boss, princess" singit naman ni Navill.


"Ahh okay... Nice too meet you Miss- I mean Mr. Valtesco" e malay malay ko ba kung saan don yung gagamitin ko. Gay nga sya diba.


Natawa naman sya ng bahagya.

"That's too formal Janiva you can just call me Quin"


"Ah s-sure Quin" awkward na sagot ko.

Hays sayang talaga tong lalaking to kung di ako ang makakatuluyan nya.

Chour.


The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now