Chapter 8

431 27 3
                                    

JANIVA

After 5 months nakalipat na ako ng tuluyan sa bahay ko at malaki na din ang tyan ng asawa ni Cynas at tapos na din silang ikasal.

Napaka epic pa ng nangyare sa family reunion namin nung nag announce si Cynas na mag kakaanak na sya at ikakasal na. Nahimatay pa ang mommy nya. Pati mga kuya ko di makapaniwala lalo na si Kuya Ivorill dahil naunahan pa daw sya ni Cynas jusko.

Pero napakasaya padin.

At ngayon nasa kwarto ako at kakatapos ko lang maligo.

Nagsuot lang ako ng bra saka shorts na pangtulog. Wala kasi ngayon si Quin ang sabi nya bukas nalang daw sya pupunta dito kasama nya kase ngayon sa bar yung kambal at iba pang models hinayaan ko nalang e tuwang tuwa yon ngayon kasama nya bebelabs nya haha.

Ngayon nalang ulit ako nakapag suot ng ganito lang e kasi naman laging nandito si Quin muka na nga kaming mag live in partner.

Alam ko wala naman malisya sakanya kahit rumampa pa akong naka panty at bra sa harap nya e kase nga bading sya pero ayoko paden no lalo na muka padin syang macho dancer. Baka matulad kami kina Cynas nako.

Uminom muna ako saglit ng gatas saka nahiga na. 9 palang ng gabi pero pagod talaga ako ngayong araw dahil sa work at pag liligpit ng mga natirang gamit sa sala. May dumating kasing package galing kay kuya Alprees na nasa NYC ngayon. Puro damit chocolates at sapatos ang laman nung package. Di ko nga alam bat nag abala pa syang mag padala saakin. Siguro miss nya na ako.

Bahagya kong nilakasan ang aircon ng kwarto ko saka ko binalot sa kumot sa sarili ko.

Odiba parang timang lang.

Saka na ako natulog.



Nasa kalagitnaan na ako ng panaginip ko ng magising ako dahil may biglang yumakap saakin sa likod.

At dahil naalimpungatan ako at mabilis ang reflexes ko agad akong bumangon at ipinadapa ang kung sino man na lalaking to saka ko pinulupot ang kamay nya sa likod nya.

"What the arrgghhh!!" Rinig kong sabi nya na may kasamang tili.

Nang silipin ko kung sino sya...ABA NAMAN!

"QUINJEL!" Sigaw ko at pinakawalan sya.

Agad naman syang umayos ng upo at hinarap ako.

"Iwww may pakwan!!!" Sigaw nya saka nag takip ng mata.

Don ko narealize na naka bra nga lang pala ako susme kala mo naman nakakita ng multo.

Tumayo ako at agad na kumuha ng sando saka iyon sinuot. Umupo ulit ako sa kama saka inalis ang kumot na nakatakip sa muka ni Quin na abnormal.

Tinignan ko ang wall clock at punyeta talaga!!

2 am na!

"Akala ko ba di ka pupunta dito?" Masungit na tanong ko sakanya.

Nakita ko syang nag pout. Tss

"Wala naman ako sinabi kanina na di ako pupunta dito ah"

So ako pa mali?

"Akala ko ba kasama mo yung kambal? Bat di ka umuwi sa condo mo?"

Ang lapit lapit lang ng bar na pinuntahan nila sa condo nya myghad na sstress ako! Inistorbo ang tulog ko.

Di sya sumagot. Yumuko lang sya

"Tinatanong kita" masungit na sabi ko. Pero di parin sya sumasagot.

The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now