Chapter 35.2

328 22 15
                                    

Mga mare sorry sa late uploadddd nag ka covid ako susme at hanggang ngayon wala akong panlasa myghad. Pero keri ko to masamang damo po ako di ako matitigok dahil sa cornbeef na yan. Stay safe sainyo mga sismars.


Kung maaari wag na muna kayong mag feeling dora de explorer lalo na sa mga taga pampanga dyan.  Wag ako tularan so yeah! Enjoy mga mars.









QUIN


Di ko alam kung pano ko sisimulan.


Napakabilis ng oras.


Dati nasa itlog lang ako ni daddy tas ngayon err..



Jok lang.



Parang kanina lang tuwang tuwa pa ako kase napakalapit namin ni Jani sa isa't isa at nagagawa ko pang hawakan sya sa baywang kase nga nag pipicture kame hehe.

Chansing si bakla kanina e.



Pero ngayon...


Heto ako nakaupo sa buhanginan kasama ang aswang na si Nido habang pinapanuod ang dalawang chanak at si Jani na sumasayaw malapit dun sa entablado.

9 na ng gabi at nandito kami sa sinasabi ni Fernando na mini concert daw na sila sila lang naman ang nag kakatuwaan.


Hindi naman sa KJ ako pero...


Mas nag eenjoy akong panuorin si Jani ngayon kahit medyo malayo sya sa pwesto ko.



Choserang bakla ba? Pasensya na mga mare ah ganto talaga pag nagmamahal.



Nagiging makata.




"Punta ka na kase dun Kokoy, makipagsayawan ka sakanya". Suhestyon ng aswang na Nido.

Taray den ng isang to e. Nakikiramdam yata sakin.

Nag lalaro kasi sya ng genshin impact pero ewan ko ba, bat napapansin nya pa ako sa lagay na yan.



"Hindi na, masyado syang maganda para lapitan ko. Baka di ako makapag pigil e haha" pag bibiro ko pa.


Pero alam ko sa sarili ko na 90% totoo yon.


Nakakatakot yung ganda nya ngayong gabi.


Yung takot na baka bigla akong mapaamin. Nyawa.






Ilang sandali lang matapos kong sabihin iyon ay nakatikim ako ng isang malutong na sapok kay Nido kaya inis na humarap ako sakanya.






"What was that for?"kunut nuong tanong ko sakanya.



"Wag mo na kasing pigilan. Duon na rin naman kasi papunta" kalmadong sagot nya na parang hindi nanakit at patuloy pa rin sa pag lalaro.





Walangya talaga to. May pag kabastos din talaga ang chanak na to e. Hindi man lang nag abalang tumingin saken.



Pero anong sabi nya?...





"Papunta ang alin ha?"






"Hay nako Kokoy"




"Ang alin ba kasi!?" Inis na tanong ko.

Pwede naman nya kasing sabihin ng deretso. Kung ano ano pang ritual sinasabi nya duh.


"Ewan ko sayo Kokoy wag mo na akong kausapin may sarili na akong mundo" sagot nya na halatang iritado na sa kakulitan ko.


The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now