Chapter 27

329 23 5
                                    

FERN

Siguro mga 15 mins lang ako nag hintay kay Jani girl sa labas nitong bar ko at sa wakas nakarating din sya.

Paglabas palang ng taxi e mapagkakamalan mong isang highschool student ang mareng Jani nyo.

Ang taray ng suot nya mga mars. Naka grey jacket na malaki at white sneakers at hindi rin papahuli ang white cap nya.

Taray ng ate Jani nyo teenager na teenager ang datingan kaya di ko maiwasan na asarin si Kokoy na nagkagusto sya sa mas bata sakanya ng sobra.

Kinawayan ko lang sya at agad naman nya ako nakita at dali daling nilapitan.

"Sorry miss Fern. Natagalan yata ako". Paumanhin nya.

"Okay lang yorn Jani girl ang mahalaga nakarating ka tsaka hindi ka naman ganoon katagal" sabi ko nalang saka sya binigyan ng isang magandang ngiti.

"Patulog na kasi talaga ako kanina ng tumawag sya. E ang alam ko lang e mag kikita kayo, wala naman syang sinabing may inuman pala". Kwento nya pa.

Ang taray ah mag asawa lang ang peg?   Ang alam ko kase ganito yung mga eksena ng mag asawa pag alam na ni mister na hindi sya papayagan uminom haha. Hindi nag sasabi sa misis.

"Baka nakalimutan lang mag sabi mars haha" natatawang sabi ko nalang.

Matapos non ay niyaya ko na syang pumasok sa loob at habang nag lalakad kame ay pasulyap sulyap ako sakanya dahil hanggang ngayon kinikilig padin talaga ako sakanilang dalawa ni Kokoy.

Well, hindi naman ako nagtataka kung bakit na abnoy na yong Kokoy namin sakanya no. Maganda naman kasi talaga si Jani tapos super bait pa. Idagdag nyo pa yung pagiging concern nya kay mareng Kokoy at bonus nalang din ang katawan nyang pang super model.

Kahit sinong lalaki hindi malabong magkagusto sakanya. Ang kaso lang mailap lang talaga daw sya sa tao kaya hanggang ngayon single sya. Yun ang kwento ni Mareng Kokoy saakin.

Kunng ganyan lang siguro ako kaganda ay jusko dai. Baka pakasalan ko sarili ko chos.

"Dito na tayo Jani girl mauna ka ng pumasok" sabi ko sakanya nang tumapat kami sa VIP room na kinaroroonan ng mga bakla.

Gentlegay kase ako kaya syempre pinauna ko sya duh.

"Anong nangyari sa mga yan?" Agad na tanong nya nang tumambad sakanya ang kadugyutan ng tatlo.

E kasi naman pare-parehas tumba na yung tatlong bakla. Nakatulog na sila sa sofa mga dai.

Myghad mahahagard nanaman ang feslak ko neto mamaya pag ihahatid ko na yung dalawa huhu. Mabuti nalang at narito na si Jani girl kahit papaano nabawasan ang problema ko kanina kung pano ko ba maihahatid ang mga bruhang to.

"Nagwalwalan kasi kami, kaya ayan napasobra hehe" kamot ulo ko pang paliwanag sakanya.

Lumapit agad ako kay mareng Arnaldo para paghiwalayin silang dalawa ni Kokoy at Ipinasandal ko nalang sya dun sa likod ni Nido na mukang mangkukulam ngayon dahil sa sobrang gulo ng buhok.

Jusko nakakahiya mga itsura nila.

"Jani, halika dito ka na maupo." Alok ko sakanya sabay tap sa tabi ni mareng Kokoy.

Ahehe syempre dapat tabi sila no sayang naman effort ko na papuntahin sya kung di nila ako mapapakilig hehe.

Kaligayahan ko to wag kayong ano dyarn mga mare.

The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now