Chapter 12

447 25 12
                                    

QUINJEL


*6 am... *


Putik na yan. Di na ako nakatulog simula kanina dahil pag ipinipikit ko ang mga mata ko. Yung halikan namin ni Jani ang nakikita ko.



Feeling ko nababaliw na ako sobra at di na talaga to maganda.




Wala na akong tulog kakaisip sakanya huhu.




At dahil hindi na din naman ako makatulog nag pasya nalang akong bumangon para uminom ng kape.



Nabigla naman ako ng nasa kusina si Fern at nag kakape na.




"Good morning Kokoy" bati nya sakin habang may malapad na ngiti.

And I find it WEIRD.


Kilala ko sya at alam kong may kakaiba sa paraan ng ngiti nya saakin.

"G-good morning din" sabi ko nalang tas dumeretso ako sa sink para mag hilamos.




Nag timpla nadin ako ng kape at dinaluhan sya sa mesa.



"How's your sleep?" Tanong nya at nakangiti padin.




Bat parang ang weird nya talaga... nakakatakot. 

Hindi kaya epekto lang to ng walang tulog? Nagiging paranoid?

"Okay naman.". sabi ko sabay simsim ng kape.


"Halata nga sa eyebags mo" natatawang sabi nya.



Bwiset.



"Nasan pala si Arnaldo tsaka si Nido?" Pag iiba ko ng topic. Baka magtanong sya kung bat ang laki ng eyebags ko e.


Wala naman akong alam na palusot. Alangan namang sabihin kong buong gabi ako nanuod ng Barbie duh

"Umuwi sila kagabi mga around 2 am nung naubos namin yung dalawang alak na nabili namin" paliwanag nya.


Umuwi? Delikado naman yata yun bat pa sila umuwi e lasing sila.



"Bat mo naman pinauwi? e lasing kayo" Nakataas na kilay kong tanong sakanya.



"Di naman lasing si Arnaldo. Si Nido tsaka si Janiva  yung sobrang nalasing kagabi ako naman medyo lang pero mas ginusto ko nalang dito matulog" explain nya tas uminom din syang kape.



Kumabog nanaman ang puso ko ng banggitin nya si Jani jusko. Kaya naman pala nagawa sakin yun ni Jani dahil nga yung alak na dapat sa tyan nya pinaderetso ay sa utak nya lahat napunta . Myghad!




Di nalang ako muli nag salita kasi kinakabahan ako. Hindi ko alam bakit pero kinakabahan talaga ako lalo na ang weird makatingin saakin ni Fernando.



Napansin naman nyang umiiwas ako ng tingin sakanya kaya natawa sya ng bahagya. Di talaga maganda kutob ko dito.

"So... "


Napatingin ako sakanya ng mag simula nanaman syang mag salita. At nambitin pa.


"Ano nanaman bakla?" Iritang tanong ko saka uminom ulit ng kape.




The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now