Chapter 33

351 19 0
                                    

QUINJEL

Medyo nakakapansisi din palang isinama ko yung tatlong chanak dito para manuod bukas nang runway fashion show.

Ka badtrip.

Kung alam ko lang sana na may ugaling taong gubat tong mga kaibigan ko edi sana di na ako nag abalang yayain sila.

Alam nyo ba kung bakit ako badtrip?? Syempre hindi nyo alam.

Sandale ito na nga mag kukwento na nga.

Mula nang malaman ng tatlong taong bundok na isang Morvitch yang si Jani. E hindi na sila humiwalay sa bebelabs ko.

Kahit ang baklang Arnaldo, kung makakapit kay Jani akala mo naman parang hindi nagalit saakin nung nalaman nyang may gusto ako dun.

Buong araw silang nag chichikahan. Silang  apat mga pisting yawa kaya hindi ko man lang na solo si Jani kahit isang oras man lang. Yayain ko pa sana syang mag lakad lakad sa labas pero wala e. Kaumay sa tatlong chanak.

Hanggang sa gumabi nalang at wala na talagang pag asa kaya sobrang sama ng loob ko.

Nga pala nasa banyo ako ngayon kakatapos ko lang maligo para naman mabawasan ang init ng ulo ko sa mga aswang na sumira ng unang araw ko dito sa boracay.

Nandito kami ngayon sa bahay ng mga Morvitch at dahil nandito ang isa nyang kuya. Hindi ako pwedeng makitulog sa kwarto nya.

Andami kasing kwarto dito kaya wala akong dahilan para makitulog sa kwarto nya.

Kung sanang mag asawa lang sana kami... Nyawa.

Sad layp.

Padabog na hinila ko ang towel at itinapis sa sexy kong katawan. Nag pa cute muna ako saglit sa salamin bago ako rumampa papalabas ng banyo.

"Oh, what are you doing here?" Agad na tanong ko ng makita ko si Arnaldo na prenteng nakaupo sa kama habang nag vevape.

Napa tingin naman agad sya sa gawi ko at tinaasan ako ng kilay.

"Bawal ba?"

"Baka oras na bakla? Wala ka balak matulog?" Pagtataray ko at kinuha ang pantulog kong damit na nasa upuan sa gilid ng kama at nag simula ng mag bihis.

"Init ng ulo mo ah?  Kanina ka pa sa hapunan bakla. Napano ka ba?"

"Wala, may dalaw kasi ako" pagsusungit ko.

"Sus, alam ko yang ikinapuputok ng butchi mo Kokoy"

"O alam mo naman pala e, nagtatanong ka pa. Ano bang pinunta mo dito?"

Bat ba kasi nandito to e. Gusto ko na mahiga at mag pahinga.

Naupo naman ako sa kabilang dulo ng kama at hinintay ang sadya nya.

"Wala naman, gusto lang kita makausap"

"About saan?"

"Isang Morvitch pala ang binibingwit mo bakla, lakas ng magical powers mo ah" ngisi ngisi nya pang sabi.

Napa nguso nalang ako. E ano bang magagawa ko. Tinamaan na talaga ako sa merlat na yon.

"E ano naman? Hindi naman bawal na bingwitin sya ah tsaka single sya, walang sabit." Ubod ng sungit na sagot ko sakanya.

Naiimbyerna parin ako sakanilang tatlo e.

"Sungit mo na talaga Kokoy. Alam mo kase kaya kita pinuntahan dito..."

The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now