Chapter 36

238 21 4
                                    

JANI

Gay and girl relationship?


Kapag narinig mo, mapapaisip ka talaga.
Dahil weird ang ganitong relationship sa paningin ng nakararami.


Dahil nasanay sila na ang gay man ay dapat na i-in love lamang sa lalaki at hindi sa isang babae kaya hindi mo rin sila masisisi kung ganoon nalamang sila manghusga.




Sa totoo lang mahirap makahanap ng gay man na nai-in love at pumapasok sa isang seryosong relasyon sa isang babae.

Kaya para saakin napaka rare ng mga gay na tulad ni Quin,  Cynas at ni Papaw at ng iba pang tulad nila.

Nang dahil sakanila naniwala ako na ang Love has no gender talaga. Kung kanino tumibok ang puso mo dun ka talaga mapupunta...

"Ah eh, ano Sis... U-uwi na tayo lasing ka na diba?" Kabadong sabi ni Quin habang inaabot ang kamay ko.

Tinaasan ko sya ng kilay at iniwas ang kamay ko sakanya.

Wala ka ng takas ngayon Mr. Valtesco.

Walang mangyayari kung patuloy kang mag tatago.

"I'm not drunk, Quinjel." Deretso kong sabi sakanya saka nag smirk dahilan upang manlaki ang mga mata nya at nabato sa kinatatayuan nya.

Kahit tignan ko lang sya ramdam na ramdam ko ang kaba ng buong sistema nya.

"Narinig ko kung anong sinabi mo kanina at gusto kong ulitin mo yon habang nakatingin ng deretso sa mata ko" seryosong utos ko.






Hindi pwedeng wala akong mapala ngayong gabi. Matagal ko na rin tong hinintay at eto na sa tingin ko ang tamang oras para sampalin ng katotohanan si Quin.





I badly want him to be mine.








Officially.









Napakurap sya ng ilang beses at napasinghap dahil sa sinabi ko. Mukang di pa rin nag sisink in sa utak nya ang nangyayari ngayon.


"J-jani... Ano uhm.. Ano kase h-hindi naman totoo yung mga sinabi ko uhm.. N-nag p-practice Oo!  Nag p-practice lang ako ng acting skills ko hehe" Pautal utal nya pang sabi dahilan upang kumunot ang nuo ko.

Tinignan ko sya ng masama at napakamot nalang sya sa batok nya. Gagamit na nga lang sya ng dahilan yung bulok pa.


Ang tigas din naman talaga ng Quinjel nato e no? Huling huli na nga mag dedeny pa.

Akala ko mga straight na lalaki lang yung ganyan pati rin pala mga bakla myghad.


"Muka ba akong nakikipag lokohan sayo Quinjel?"



Galit galitan mode ako. Need na natin manakot para umayos naman yung sagot nya.


Napalunok muna sya ng ilang beses bago tuluyang mag salita at titigan ako sa mata.





"Jani...



















Bakla ako..."








What the! Muka bang hind ko alam?



Binigyan ko sya ng matalim na tingin at this time galit na talaga ako.



The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now