Chapter 35.1

340 19 8
                                    

Hi mga sismars. Pasensya sa late update. Nabura kasi yung unang chapter 35 na ginawa ko at nagdalamhati talaga ako ng ilang araw sa sobrang hinayang. Pero okay na ako ngayon humihinga parin naman. Thanks din pala sa patuloy paring nag babasa ng story ko laham ko kayo super. So yeah enjoyyyyyy mga mare muah<3




JANIVA


Alas singko palang ng umaga ng bumangon ako para makapagluto sa almusal namin ng mga kasama ko dito sa bahay.




Di ko naman trip ang ganitong oras ng pag gising pero kailangan e. Aalis kasi kami mamaya ni Quin para mag grocery at wala rin namang mga maids dito ngayon kaya kami kami lang nag luluto dito at nag aasikaso.


Simpleng almusal lang naman inihanda ko. Yun bang sakto lang saaming apat ng mga bakla. Yung kambal ko kasing kuya hindi naman nag aalmusal yon at maaga din silang nag lakwatsa kanina pero babalik din naman mga yon mamaya kasi pupunta kami sa Borabeach para sa isang salo salo.



By the way, kasalukuyan pala kaming nag a-almusal nina Saji, Arnold at Quin sa kusina ng mapansin ko ang kakaibang aura ngayon ni Quin.

Kanina pa yan e. Pagkapasok ko palang sa kwarto nya kanina para yayain syang kumain, muka na syang pinagsakluban ng langit at impyerno.


Ay lupa pala yon.

Yung mga mata nya kasi parang pagod na parang hindi natulog. Tapos bigla bigla pa syang natutulala sa kaharap nyang pagkain ngayon.

Hindi ko nga alam kung napapansin din ba ito ng dalawang kasama namin o ako lang ba dahil sya ang kaharap ko ngayon.

Ilang araw palang kami rito sa bora pero pa wierd ng pa wierd yung mga kinikilos nya. Kahit kahapon dun sa runway, para kaming nandekwat sa kakamadali nyang umalis doon.


Nakalimutan nya yatang event nya yon tas iniwan nalang nya bigla.


Pero kahit ganon sya kahapon hinayaan ko nalang. Sanay na rin naman ako sa ka weirdohan nya.

Baka may sapi lang sya kahapon o kaya may nakaing di maganda.


Hay ewan.Makikinig na nga lang ako sa dalawang nag chichikahan dito sa harap ko.



Ke aga aga nasstress ako kay Quin.






"May mini concert daw kasi mamaya dun kaya lulubusin daw  ang beauty rest ng bakla. Baka makatagpo na sya ng afam mamaya." Dinig kong kwento ni Arnold kay Saji na umiinom ng kape.




Tinanong kasi sya ni Saji kung bakit hanggang ngayon e tulog parin si Fern.


Madalas kasing si Fern ang unang nagigising saamin. Kaya ayon nag taka si Saji.

Himala nga na nauna kami sakanya ngayon.




"Sus kala mo naman talaga may beauty si bakla. Pero ikaw ba? Gogora ka rin?"




"Oo naman, lahat tayo rarampa mamaya. Minsan lang naman tayo mag punta sa mga ganun e." Naka ngiting sagit pa ni Arnaldo sakanya.



Bigla naman nanlaki ang mga mata ni Saji bago sumagot.

"Luh sya, di ko trip mga ganun mars. Kayo nalang" pagtanggi nito.


"Tss bawal KJ dito mars. Tsaka ikaw lang maiiwan dito kung hindi ka sasama shunga." Pagtataray pa ni Arnaldo sakanya.

Good luck nalang kay Saji. Alam ko namang kahit anong tanggi nya kay Arnold e mapapasama parin sya.


Nakinig nalamang ako sa bangayan ng dalawa at hindi na ako nag abalang makisawsaw dahil kahit ayaw ko man pumunta mamaya e mapapapunta parin ako dahil kay Quin.



The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now