Chapter 25

323 20 0
                                    

QUINJEL

At VGI company...

Malapit na ang lunchbreak at heto ako ngayon nag pupunas ng muka dahil kakatapos ko lang mag hilamos dahil sobrang na hagardo versosa ang feslak ko.

Umagang umaga andami kong nicheck na papeles at halos matuyo na ang tatlong bading na braincells ko kaloka.

Matapos kong mag punas ng muka ay bumalik na ako sa mesa ko para mag muni muni muna at hintayin ang alas dose para matawagan ko na si Jani at para makakain na kami.

*krrriiiiiinnngggggggggggg*

(Pasensya na di ko alam kung anong ringtone maganda hehe)

Bigla na lang tumunog ang cellphone kong nasa gilid ng mesa kaya agad ko yon kinuha para tignan kung sino iyon.

Agad naman napaarko ang kilay ko.



Si Fern ang caller.



Binalik ko na kasi ang dati kong sim kaya natatawagan na nila ako. E diba nagpalit ako nung pumunta akong pangasinan para di ako macontact ni Jani bebelabs.

Napasandal muna ako sa swivel chair ko saka sinagot ang tawag.

"Hi mars". Bati ko agad sakanya.


"Kamusta ka na mareng kokoy? Kayong dalawa ni Jani girl?"


Wow ha. Di naman halatang excited talaga sya sa lab story namen ng misis ko.


"Yan ba talaga pakay mo kung bakit ka tumawag?"

Narinig ko namang natawa sya sa kabilang linya.


"Gaga sungit mo talaga haha. Nagtatanong lang naman ako e baka kayo na e"

How I wish.


"Chosera to wala pa. Tsaka di pa ako nakakaamin sakanya e". Sabi ko saka bumuntong hininga.


"O diba, sabi ko na nga ba e mahal mo si Jani girl haha" tuwang tuwa nyang sabi.



Tss. Ngayon nalang kasi ulit kami nag kausap netong si Fern mula nung pumunta akong pangasinan.


Okay lang naman saakin na sabihin sakanya ang totoo e support naman kasi sya sa amin. Kay Arnaldo lang talaga ako medyo takot magsabi hehe. Si Nido kasi wala namang kwentang kausap yun baka nga mawalan pa ng malay yon pag nag sabi ako sakanya na gusto ko si Jani.

"Tigilan mo na nga yan, ano ba talaga sadya mo mars?". Tanong ko. E baka kung saan saan pa mapunta ang usapan namen e. Nagugutom na panaman ako.


"Ano kasi... Miss na kasi kita bakla, punta ka mamaya dito sa bar ko inom tayo".


"May problema ka ba? Parang biglaan naman yata". Tanong ko naman.


Di naman kasi sya bigla biglang mag aaya ng inuman saakin ng walang dahilan no. Hindi kasi ako ganoon kalakas uminom kaya  minsan lang sya magyaya saakin ng walwalan.


"Gaga wala akong problema. Gusto ko lang talaga mag noms tonight".


"Tayong dalawa lang ba mars? Pwede ko bang isama si Jani?". Tanong ko.


The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now