Chapter 3

584 28 1
                                    

JANIVA

"Sis matanong ko lang, musta na yung bahay mo don sa Carter Royal? Did you already sell it? " Tanong ni Cynas habang ipinapaikot ang kutsara sa kape nya.

Nag aalmusal kasi kami.

Yung bahay na tinutukoy nya ay yung mismong sariling bahay ko. Oo meron naman akong sariling bahay pero umalis muna ako doon dahil madalas ako makaramdam ng lungkot don dahil mga maids lamang ang kasama ko manirahan doon. Kaya nga naisipan kong dito nalang muna tumira kay Cynas dahil kahit papaano magaan sa loob ko na may kapamilya akong kasama at maingay.



Pero minsan talaga sumosobra naman sa ingay tong si Cynas e.

"No I didn't sell it. Pinapaalaga ko na muna sa caretaker dahil nga may mga halaman akong naiwan doon at kailangan manatili malinis yung bahay kahit wala ako. "Paliwanag ko sakanya saka uminom ng tubig.


"Sayang naman bahay mo di nagagamit" nanghihinayang nyang sabi.



"Pinupuntahan ko naman iyon paminsan-minsan tsaka bakit mo ba inopen yang topic? Pinapaalis mo na ba ako? " nakataas kilay kong tanong sakanya.



"Nah, I'm just asking. You know 2 years ka na dito naisip ko lang baka naibenta mo na yun"


"Regalo sakin yun ni Papaw nung debut ko bat ko naman ibebenta duh" pagtataray ko sakanya saka sumimsim ng kape.



"Ay ang taray nag tatanong lang e chosera"


"Akala ko naman kasi... "

Di ko natapos ang sinasabi ko ng biglang tumunog ang phone ko.




Someone's calling.


It's kuya Ivor


"Hey, goodmorning kuya" bati ko sa kabilang linya.


"Good morning baby I'm sorry for disturbing you" sagot naman nya.

"No it's fine, what do you need kuya?" Agarang tanong ko. Minsan lang to tumawag saken ng gantong oras halatang may kelangan.

"Baby can you go to my work later if you're not that busy? hehe" nahihiya nya pang sabi.

"And why??"

"Oy teh ano daw sabi? " si cynas na chismosa.

Sinenyasan ko lang sya ng 'shhh'



"I need a make up artist" simpleng sagot nya na ikinakunot ng nuo ko.


"Nasan yung make up artist mo ha? "


"Di naman kasi simpleng make up yung gagawin, it's a facepaint. Mythical theme and I know you are good at it baby" paliwanag nya.



Sa totoo lang tapos na ako sa last painting na tinatrabaho ko. Kahapon ko pa tinapos iyon para rest day ngayon at meet up sa owner bukas. But I guess they don't want me to get some rest hmmp!



"What time and place?" Nakabusangot na tanong ko.






Pagkatapos nyang sabihin ang lugar ay agad  ko nang itinapos ang almusal ko at hinugasan ang pinagkainan namin ni Cynas saka nag tungo sa kwarto para makapag ligo at makapag ayos na.


The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now