Chapter 24

344 20 2
                                    

QUINJEL

"Ano wala ka man lang bang sasabihin?" Tanong nya nang makaalis sya sa ibabaw ko at naupo sa gilid ng kama saka ako ulit tinignan.


Anong sasabihin ko nyan!?  Bat ba lagi nalang ako nabibisto ng wala sa oras. Lagi nalang ako nasusurprise baka nga atakihin na ako sa puso nyan.


Madalas na din akong kinakabahan jusko. Wala kayong awa sa hearty ko.


Bumangon na muna ako at sumandal sa may headboard ng kama. Umiwas lang ako ng tingin sakanya dahil di ko sya kayang matignan ng deretso sa mata dahil feeling ko mawawalan na ako ng malay ano mang oras dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon.



Hindi ko pa kering umamin sakanya mga dai. Di pa keri ng powers ko huhu.

"A-ano bang sinasabi mo Jani? W-wala ah, di kita gusto no mandiri ka ngang chararat ka". Pag dedeny ko. Habang kinukurot kurot ko pa ang legs ko. Di kasi ako mapakali.


Kahit bisto na wala akong choice kundi ideny. Dahil di pa ako ready...


Hindi pa ready mareject.




Sinulyapan ko naman sya saglit at Napaarko nanaman ang kilay nya sa sagot ko sakanya.


Ang taray nya talaga huhu ahitin ko yang kilay mo dyan ee.



"Why did you close your eyes then hmm? You know that I'm going to kiss you but you didn't even stop me..." Seryosong tanong nya ulit.

Oo nga no? Bwiset naman!


Asin nalang kulang! Nag sisimula na syang gisahin ako jusko po.

Ano na mga mars? Ano sasabihin ko?

Reason #1

'Napapikit ako kasi nakatulog na ako Jani... antagal mo kasi sa ibabaw ko e kaya ayun nakatulog na ako hehe'

Taragis sino naman kayang tangang maniniwala sa ganyang dahilan huhu.


Reason #2

'Ano kasi Jani. Nahirapan kasi ako makapag salita kanina. Nasa ibabaw kasi kita e ambigat mo kaya di kita napigilan hehe'.


Ano ba tong utak ko walang pakinabang huhu. Gutom na kasi yata ako kaya di na gumagana ng maayos utak ko.







"C-curious din kasi ako". Yun nalang ang lumabas na salita sa precious lips ko. Di ko nga alam kung gagana tong nasa isip ko e.

Agad naman gumuhit sa muka nya ang pagtataka dahil sa sinabi ko.

"What do you mean?"kunot nuong tanong nya.



Huminga muna ako ng malalim saka ko sya nilingon at tinignan ng deretso sa mata.


"Jani curious ako kung anong feeling ng makahalik ng isang babae." Nahihiyang sagot ko.


Lalo naman kumunot nuo nya sa sinabi ko. Grabe mga mars lukot lukot na ang muka nya sa mga sagot ko sakanya pero ganda nya parin huhu howwww ba yarn.

"A-actually ilang araw ko na to iniisip e. May pinanuod kasi akong movie na yung bidang bakla e nagkagusto dun sa kasambahay nilang mujerjer tapos ano daw... M-matamis daw kasi humalik ang mga babae hehe". Dagdag ko pa habang pakamot kamot pa sa ulo.

The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now