Chapter 6

458 27 2
                                    

JANIVA

3 weeks na ang nakalipas simula nung una kaming nag bonding ni Quin at umalis si Cynas papuntang Japan para sa party.




And guess what? Ang magaling kong pinsan na si Cynas ay hindi padin bumabalik dito sa bahay nya. Yung 3 days na sabi nya naging  3 weeks!


Di ko naman naiwasan mag alala kaya lagi ko syang tinatawagan nung 1 week syang walang paramdam. Pero thanks ghad after ko syang takutin na mag papadala ako ng search and rescue sa japan para hanapin sya which is joke lang naman. Aba ang bakla nag reply sa text ko at alam nyo ba ang sabi?


'Nasa Davao ako bebs, may biglaan kasing pinaasikaso sakin si Dad kaya nakalimutan kitang iupdate. Uuwi din ako dyan sa katapusan, mag linis ka lang dyan update kita. Byeeee ingat ka Bebs labyu'


Yun lang ang sabi nya tas nung nitry ko syang tawagan di na sya available. Kaya hinayaan ko nalang uuwi din naman e masyado lang ako nag ooverthink.



Si Quin naman panay punta dito sa bahay ni Cynas. Halos dito na nga din sya matulog dahil nga sobrang close na kami as in. Dun na din kasi ako nag tatrabaho sa company nya tas pag tapos ng trabaho sasama naman saakin pag uwi kasi daw ang poor ko wala akong sariling sasakyan o diba ang kapal nya talaga e sa ayaw ko bumili e.



Madalas kaming mag movie marathon. Mag model model tas nag memake up ng pang drag queen o kaya mag papagalingan kami sa pag rampa. Sa 3 weeks lang nagawa namin ang mga iyon. Parang di ko man nga sya boss e nag chichismisan pa kami sa trabaho tas tamang kwento lang sya about sa kuya ko na ganto ganyan tas ako hinahayaan ko lang kase masyadong syang inlababo sa kuya ko e hahaha taga sana ol nalang ako.



At ngayon it's saturday kakauwi ko lang galing sa work at 7:45 pm na ng gabi kaya nag luluto ako ngayon ng steak para sa hapunan namin ni Quin na ngayon ay nasa sala at nag papahinga.



Lagi talaga yang nandito hinahayaan ko nalang kesa naman mag isa lang ako dito. Nyeta kasi si Cynas di pa umuuwi.



Nang matapos ako sa pag hahanda ng hapunan ay pumunta na ako sa sala para tawagin si Quin.



"Sis tara na kain na tayo" aya ko sakanya habang tutok na tutok sya sa phone nya tas panay pindot pa.

Syempre dahil curious ako e tinignan ko na kung ano ba ginagawa nya.

"Candy Crush?  Really?" Di makapaniwalang sabi ko.

"Shh wag ka maingay nag fofocus ako level 10 na nga ako sis"

Abnormal talaga to.




------



"Balak ko sanang gawin yung next runaway fashion show sa boracay sis".Bigla nyang sabi habang nag hihiwa ng steak.

Nag hahapunan na kasi kame.

"Do you think isn't that good idea?" Tanong ko naman. E parang nag hehesitate pa sya e.

"Actually I really like to do it in Boracay pero nag suggest kasi si Ivorill sa Palawan daw."

Sus parang yun lang mag babago na isip nya.


"Ikaw bahala kung gusto mo sundin yang bebelabs mo. Basta ako mas maganda kung sa Boracay nalang muna tas sa next nalang yung sa Palawan para mas mapag handaan" suggest ko naman.



The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now