Chapter 32

314 19 8
                                    

QUINJEL

Apat na araw matapos ang eksena ng aking pinaka mamahal na kapatid ay eto na kami ngayon.

Dyosa pa rin.

Chos.

Nasa condo ko ako ngayon dahil nag iimpake na ako ng mga damit at gamit dahil i-tatanan ko na si Jani bebelabs.

Pero syempre kemerut lang. Nag iimpake ako ng mga dadalhin ko para sa Boracay.

You know naman hehe the day after tomorrow na ang fashion show kaya need na mag handa dahil bukas na rin ang gora papuntang langit. chos.

Hindi ko nga alam kung okay na ba tong mga naimpake ko e.

Naka tatlong maleta na kasi ako at feeling ko kulang parin...e apat na araw kaming mag s-stay doon.

Isang araw lang naman ang fashion show at mag gagala na kami nun sa boracay beach hehe. Mag s-swimsuit talaga ako para maakit ko si Jani bebelabs hahaha I'm so excited na talaga.

"Mare baka gusto mong dalhin yung buong walk-in closet mo? Nahiya ka pa"

Napatingin naman agad ako sa baklang kumatak na nakasandal sa pintuan habang mataray ang tingin saakin.

"Gaga, feeling ko nga kulang pa ito e" wika ko at ibinaling ang tingin sa tatlong maleta na dadalhin ko bukas.

"Paalala ko lang sayo Kokoy, hindi ikaw yung rarampa sa fashion show. Daig mo pa ang mag lalayas sa maleta mo kaloka ka"

Ang OA talaga neto.

"Para namang hindi ka na nasanay saakin Fernando".

Tumayo na ako at isa isang itinulak ang mga bagahe para itabi sa gilid ng kama. Saka ako nag tungo papalapit kay Fernando na nakatambay padin sa hamba ng pintuan ng kwarto ko at niyaya ko na syang mag punta sa sala.

"Nasaan na yung dalawa?" Tanong ko ng makita kong wala na ang dalawang bakla na kasama namin kanina.

"Umalis muna sila, bibili daw ng makakain." Tipid na sagot ni Fern at naupo sa sofa.

Tumangi tango naman ako saka tumingin sa relo.

Malapit na pala mag 10 pm. Kailangan ko ng puntahan si Jani bebelabs.

"Kung ganon e aalis na ako"paalam ko at akmang kukunin na ang susi ng sasakyan sa kwarto ko ng tawagin nya ako.

"At saan ka nanaman pupunta mare?"

"Kay Jani, bakit?" Sabi ko pag lingon ko sa gawi nya.

"Sus, gustong gusto mo talagang nakikitulog doon ano? Minamanyak mo na yata sya Kokoy e"

Nagsalubong naman ang dalawang kilay ko sa sinabi nya.

Hindi ko naman kaya minamanyak si Jani duh. Chumachansing lang ako minsan hehe.

"Shunga hindi naman ako matutulog don. Susunduin ko lang naman sya. Diba nga kasabay natin syang aalis bukas" paliwanag ko naman.

"Edi dito sya matutulog?"

"Ay hindi,  baka sa labas. Samahan mo sya keri ba?" Pabalang na sagot ko.

The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now