Chapter 19

378 24 3
                                    

QUINJEL


"Mag iingat kayo Sweetiepie ha. Dalaw kayo ulit dito sa susunod isama mo ulit yang si Pony." Bilin ni Papaw habang yakap yakap si Jani.

"Opo Papaw, pag di busy sa company dalaw po kami ulit dito ni Jani." Naka ngiting sabi ko naman.



"Isasama ko na din sina Kuya sa susunod Papaw para marami tayo hehe. " nakangiting sabi naman ni Jani.

"O tama na yan oras na Sweetie, mag iingat kayong dalawa ha. Text me when you got home. " Sabi naman ni Mamila at niyakap si Jani.

Saka lumapit din sakin at niyakap din ako ni Mamila.




"Balitaan mo ko sa lovestory nyo ng apo ko ha." Bulong ni Mamila saka humiwalay sa yakap.





Luh sya hahaha






Ngumiti nalang ako kay Mamila at tumango tango. Saka na kami sumakay ni Jani sa sasakyan at nagpasya ng umalis.





What a great day!  Nakuha ko na ang loob ng grandparents nya sunod naman ang mga kapatid nya hehe.




"Anong nginingiti ngiti mo dyan Sis?"



O diba sa sobrang ganda ko agad nanaman akong napansin ni Jani.



"Wala naalala ko lang sina Mamila at Papaw, ang sweet nila e tsaka mababait pa."



Yun nalang sinabi kong palusot kasi maganda ako.



"Sweet talaga sila Sis kaya pag ako nag ka-asawa gusto ko ganun din kami hanggang sa tumanda." Sabi naman nya.



Napatingin naman ako saglit sakanya at nakita ko syang naka ngiti habang deretso ang tingin sa daan.



Kahit side view napakaganda nya. Lalo na't nakangiti sya hays.



Gandang hindi nakakasawa.





Napangiti nalang din ako at ibinalik ang tingin sa daan. 


'Don't worry Jani, pag ako naging asawa mo kahit langgam sa kusina nyo lalanggamin sa kasweetan ko.' Sabi ng isip kong assumera.



Pero wag kayong echos dyan mga mare.






I'm pretty sure, saakin ang bagsak ni Jani.







Mark my words.




--------

JANIVA



Naalimpungatan ako ng may marinig akong sumisinghot sa paligid na para bang umiiyak.


Kinukusot ko pa ang mata ko nang bumangon ako sa pag kakahiga para sindihin ang lampshade sa gilid nitong kama at silipin si Quin na natutulog sa sahig .


Oo sa baba sya natutulog e ayaw naman nyang lumipat ng kwarto kaya sabi nya iisang kwarto nalang daw kami ulit tapos sa sahig sya matutulog at prisinta nya iyon. Pumayag nalang ako kasi di naman magpapatalo sakin yan tsaka sakanya to bahay no.




*sniff* sniff*




Pag ka kita ko sakanya ay nabigla naman ako sa itsura nya. Nakakunot ang nuo at pinag papawisan habang umiiyak.


The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now