Chapter 29

352 25 5
                                    

QUINJEL

2 pm...

Haponesa na at nandito pa rin kami ni Jani sa Condo ko. Mamaya nalang daw kasi kami uuwi sa bahay nya pag gabi na.

Kung hindj nyo natatanong may lahi kasi kaming bampira kaya sa gabi lang kami pwedeng gumora.



Chos. Tamad lang talaga kami hahaha.



Pero ang taray no? Di kami mapaghiwalay hahaha kung saan sya nandoon din ako. Kung pwede nga lang na igapos ko ang sarili ko sakanya e baka matagal ko ng ginawa e. Pero charot lang kayo naman. Ang OA ko na kaloka.




Suot nya pa rin yung mga damit ko dahil pinapatuyo nya pa ang jacket nya na nasukahan ko raw kagabi. Ang ewwness naman nun.

Pustahan tayo nga mare, tuwang tuwa yan kagabi habang tinatanggal ang damit ko. Like duh, adik kaya yang merlat na yan sa abs ko.


Di lang halata pero pinapantasya nya talaga ang katawang lupa ko mga dai.



Manyak kasi sya.




Chos.




At heto pala kami mga mars nasa sala lang prenteng naka upo  sa sofa habang nakaharap ako sakanya at ganun din sya habang hawak hawak nya ang isang lapis at isang sketchbook.

Dino-drawing nya kasi ako mga dai. Ang hotness ko kasi sa tanghali kaya ayan naisipan nya akong iguhit.

E sino ba naman ako para tumanggi sa asawa ko diba? Wala naman din kaming ginagawa simula kanina kaya ayan naisipan nanaman nya akong gawing muse nya.



Hays. Napaka supportive housewife ko talaga sakanya, nakakaproud mga mars. Ang ganda ko kasi e.




Mas okay na rin yung ganito no,  kahit papaano nawawala yung nakakahihiyang eksenang ginawa ko kaninang umaga. Tsaka malaya akong nakakatitig sakanya ngayon habang seryoso sya sa ginagawa nya.

Hays.






Napakagandang tanawin.





Pero aaminin ko mga dai. Medyo nakaramdam ako ng dissapointment kanina na wala talagang nangyare samen kagabi hays. Edi sana buntis na ako ngayon.


Pero syempre chos lang.Asyumerang bading talaga Quinjel. Sumosobra na talaga ang kamanyakan ko jusko po.


"Anong nginingiti ngiti mo nanaman dyan sis?"
Tanong ni Jani ng mapansing nakangiti nanaman ako na parang tanga.


Nu ba yan. Ang hirap kayang pigilan yung ngiti pag nasa harap mo yung taong nagpapaligaya sayo no duh.


"Wala. Ang chaka mo kase" sabi ko nalang.



Alangan namang sabihin ko na kinikilig ako sakanya like duh. Baka lumaki pa ulo nyan hahaha.

Napailing nalang sya saka ibinalik ang tuon sa drawing nya.

Mag iisang oras na nga yata akong naka upo rito at panay ngiti lang ang ambag ko. Pero ayos lang hehe. Di naman kasi nakakasawa tignan yung nasa harap ko e.




Talandii talaga Quin.








Nasa ganoon kaming sitwasyon ng biglang tumunog ang notification ng cellphone ko. May nag text yata.

"Wait lang sis. Tignan ko muna to" sabi ko pa kay Jani bago ko kuhanin ang phone ko sa kaharap na mesa.

Nakakunot nuo pa akong binuksan ang phone at nakita ko namang si mareng Fernando ang nag text.

The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now