Chapter 15

421 34 1
                                    

QUINJEL


"Ayaw pala makita ah pero ako yung wallpaper. Sabi ko na nga ba crush mo ko e." Pang aasar ni Jani.

Ayan nanaman sya. Kanina pa nya ako inaasar dahil dyan. Wala naman akong palusot kaya hinahayaan ko nalang sya kabwiset talaga.


"Tigilan mo na nga ako Sis, tsaka mandiri ka nga sa sinasabi mo. Baka nga ikaw yung may crush saakin e." Kunwaring naiinis na sabi ko.



Tumigil ka na kasi Jani baka mapaamin pa ako ng wala sa oras neto e jusko dai I'm not yet ready.


Nag luluto panaman ako para sa tanghalian namin ni Jani baka pumangit lasa netong Sinigang ko dahil di ako makafocus sa kakulitan nya.



"Ang sungit mo no, nawala ka lang ng 2 weeks ang taray taray mo na haha, pero sige gawin na din kitang wallpaper para friendship goals tayo." Patawa tawa nya pang sabi.

OUCH, PAIN, PIGHATI, LUMBAY, SAKIT, ARAY  NA FRIENDZONE TAYO MGA MARE HUHU.



Pero okay padin, ako daw wallpaper nya e yieeieiie.



"Bahala ka sa buhay mo kaloka ka." Tanging nasabi ko nalang para matago ang kilig ko.


"Nga pala Quin bakit nag palit ka pang damit? Bagay mo naman yung dress kanina ah"


Tinakpan ko na muna ang niluluto ko para mapakuluan na muna saka ako tumingin kay Jani na nakaupo lang sa mesa dito sa kitchen.



"Di nga kasi ako komportable kapag may nakakakitang iba." Walang kaganang ganang sabi ko saka kumuha ng tubig sa ref.


"Baliw, dapat maging komportable ka na pag ako yung kasama mo. Di naman ako ibang tao sayo tsaka tanggap ko naman buong pag katao mo." Deretsong sabi ni Jani habang pinapanuod akong nag sasalin ng tubig sa baso.


Napatingin naman ako sa mata nya habang umiinom. Bakit ba napaka bait ng babaeng to?


Napaka swerte talaga ng magiging asawa nito kung hindi ako yung makakatuluyan nya hays.


"Saka nalang, baka pag inaraw araw ko ang pag dedress e maging lesbiana ka tas magkakagusto ka saakin dahil maganda ako." Pag bibiro ko.



"Gaga kung mangyare man yon aba ang swerte mo na no. Yung prinsesa ng mga Morvitch nagkagusto sa bading." Taas kilay nyang sabi saakin.


Walangya talaga ttong chararat na to laging may panlaban saken yung sagot tss.


Kung ganyan lang din naman ang usapan aba lubusin na natin mag tanong.

"Bakit? Sa tingin mo ba kaya mo mag mahal ng bakla?" Tanong ko sakanya habang nakatingin nga deretso sa mga mata nya.

Walang aawat! Minsan lang to mga mare.







"Oo naman no, di naman big deal saakin ang gender." Simpleng sagot nya na nagpabilis ng puso ko.




Pagkasabi nya nun ay kinuha nya ang basong ginamit ko kanina at kumuha din ng tubig.


Di ko na tuloy alam kung ano bang mararamdaman ko ngayon. Iba talaga ang tama ko kay Jani. Bakit kasi ganyan sya sumagot eee!!



The Jack Of The Queen  (on-going) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora