Chapter 34

325 22 13
                                    

QUINJEL


ANG DAKILANG DUWAG CHOUR.



Marahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Jani at ipinasok ang buong pagmamahal ko sa punyetang ano bang pinagsasasabi ko?



Okay eto na talaga mga mars. Mahinang binuksan ko lamang ang pintuan ng silid ni Jani at dahan dahan din akong lumakad papasok.

Mala ninja turtle ganorn.

Ninja Unicorn charot.


E natutulog nga kasi sya diba so dapat maingat tayo. Gentle lang dapat mga mare.


Pagkasara ko ng pintuan ay agad ko namang nilibot ang mga mata ko sa kabuuan ng malaking kwarto ni Jani.


Taray ng lola nyo. Prinsesang prinsesa talaga ang peg nya. Napakaganda nitong kwarto nya at halatang sya talaga ang may ari.


Sa dami banaman ng kung ano anong artworks sa ding ding jusko. Hindi na ako mag tataka, pero promise napakaganda talaga nitong kwarto nya. Grey, gold and white. Yan ang kulay na halos bumabalot sa buong kwarto nya.


Pero maiba tayo. Agad ko rin napansin ang isang malaking kama na kung saan nakahiga ang prinsesa ng buhay ko na si Jani.


Nu ba yan ang corny naten mare. Che!


Dahan dahan akong lumakad alangan namang gumapang diba? Ano yon, gagapangin ko si Jani?? Mga chosera to.


Basta sinigurado kong di ako makakalikha ng ingay habang papalapit ako sakanya.


Kung sigurong pangit ako, ang creepy netong ginagawa ko kay Jani. Baka mapagkamalan pa akong manyakis. Mabuti nalang biniyayaan ako ng inang kabaklaan ng kagandahang pangkalawakan hays.


Hangin ah.


"Literal na sleeping beauty ah" wala sa sarili kong sabi habang titig na titig sa muka ng natutulog na si Jani.


Maingat na hinila ko ang isang maliit na upuan papunta sa gilid nitong kama at agad na naupo roon, saka ko ipinagpatuloy ang pag titig kay Jani bebeblabs.


Kahit ilang beses kong titigan yang pagmumuka na yan. Hinding hindi talaga nakakasawa.

Hays. Kelan mo ba kasi mapapansin tong nararamdaman ko Jani?


"Pwede bang... Mahalin mo nalang din ako?"


Putik na yan.


Yung mga ganitong senaryo namin, feel na feel ko ang pagkalalaki ko. Sobra sobra na talaga ang tama ko sa merlat na to.


Nakakaimbyerna kasi tong kaduwagan ko e. Gusto kong umamin, pero maraming rason ang pumipigil sakin.


Overthink?


Siguro nga.



E ano bang magagawa ko? Bago sakin to.


Pero hindi naman ako nag sisisi. Mahal ko na e, masaya ako sa kung anong meron kami ngayon.



Bessy nga lang.



Alam nyo yung feeling na kapag nakikita ko sya gusto kong kunin kamay nya at pisilpisilin iyon.


Yakap yakapin sya.


Lambingin sya.


Alagaan sya.










The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now