Chapter 10

442 28 6
                                    

QUINJEL

Ito na nga bang sinasabi ko e. Mababaliw na yata ako.

"You must be crazy" dinig kong sabi ni Arnaldo pero di ko sya tinitignan.

Gigisahin ako ng dalawang to.

"Don't tell me Kokoy tama ang hinala namin" nag aalalang tanong ni Fern.

Di ko alam ang sasabihin ko. Maski ako confused sa sarili ko.

Akala ko masasaktan ako nung nalaman ko kagabi na may nililigawan na si Ivorill pero wala. Wala akong naramdaman na kahit konting sakit.

Yung kagabing eksena sa kwarto ni Jani?

Is just an act.

"Bata palang tayo kilala na kita Quinjel. Alam ko kung gano ka nandidiri sa mga babae, ni ayaw mo ngang mag pahawak sakanila tas malalaman ko ngayon nagagawa mo pang makitulog sa bahay ni Jani". Seryosong sambit ni Arnold.

Alam ko yun dahil sabay sabay kaming lumaki  nina Saji, Arnold at Fern. Mag kababata kami kaya kilalang kilala nila ang buong pagkatao ko pero di ko din alam kung ano bang nangyayare saakin ngayon.

Totoong ayaw ko talaga sa mga babae dati lalo na nung estudyante palang ako hanggang sa mag college. Feeling ko mga germs sila at nakakairita sila dahil tuwing nakikita nila ako sa school ay laging malagkit ang tingin nila saakin kahit na alam naman nilang bading ako. At mayroon pa akong boyfriend non mga dai.

Pero ang mga babae sa university namin ay di parin natinag. Panay lapit padin saakin at sapilitan akong hinahawakan. Hanggang sa napuno na ako at kada may hahawak na babae saaken o kaya lalapit ay sinasapak ko sa muka. Maliban nalang sa ibang babae na malinis ang intensyon saakin at about sa school ang pakay.

Madalas kaya akong ma guidance non dahil sa dami ng babaeng binasagan ko ng ilong. Pero buti nalang at malakas ang kapit ko sa school lalo na't sponsor ang company namin ang university na iyon.



"I.. I don't know what to say" yan lang ang lumabas sa bibig ko.  Kasi wala talaga akong alam sabihin.

Lumapit saakin si Fern at hinawakan ang kamay ko.


"Are you... Are you in love with that woman?"

Sa tanong ni Fern na iyon biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Para akong uminom ng sampung tasang kape sa sobrang kaba.

Nakayuko lang ako at mas lalong humigpit ang hawak ko sa kamay ni Fern.

Hindi ko alam kung anong nangyayare saakin nitong nakaraang buwan. Ang alam ko lang ay masyado na akong naattatched kay Jani na sa sobrang komportable ko sakanya ay hindi ko na alam kung ano na ba tong nararamdaman ko.

"I-I don't know... I'm so confused as fvck" di ko alam kung anong nararamdaman ko. Kahit ako di sure.

Maniwala man kayo o sa hindi.

Nakakaramdam talaga ako ng kilig pag kasama ko si Jani.

"Kailan pa to Quinjel?"- Arnold

"I'm confused for two months I think." nahihirapan ko pang sabi.

"Look at me." Utos ni Arnold.

Agad naman ako tumingin sakanya ng deretso. Ayoko pa naman syang nagagalit. Saaming tatlo sya ang pinaka matanda at pinaka matured mag isip. Sya din pinaka nakakatakot magalit.

The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now