Chapter 7

429 28 3
                                    


JANIVA


Ilang oras palang ang nakakalipas ng makahiga ako at ganun din si Quin sa comforter nya. Pinipilit kong matulog pero nanunumbalik talaga sa isipan ko ang sitwasyon nina Cynas.

Hindi parin talaga ako makapaniwala sa nangyare na ito.



"Psst! Hey tulog ka na ba?"si Quin.

Tss. Akala ko tulog na to hindi pa pala.

"Oo"

"Weh"

Abno talaga tong si Quin. Mga nasa kalahating oras na kaming nakahiga pero di parin sya natutulog. Iniisip nya rin yata yung kanina.

"Bat hindi ka pa natutulog" tanong ko sakanya.

"E kanina ka pa bumubunting hininga e. Kanina ko pa nga binibilang mga nasa 20 na Sis. "


Sira ulo talaga hays.



"Oras na sis we should take a sleep na" sabi ko nalang.


E baka umabot kami nang alasingko sa kabaliwan nya.



"Tanong ko lang sana kung happy ka para kay Cy"


Napamulat ako sa tanong nya.


"Of course I am." Walang ganang sagot ko.

"No you're not" agarang sagot nya.

"What do you mean?" Naguguluhan kong tanong.

"I know you're really happy but I can feel there's something is bothering you"

Wow masyado ba akong halata?

"Hays. Iniisip ko lang kasi si Deveah"

"Baket?"

"Pwet mo may rocket" walang kwentang sagot ko. Antok na kasi ako ayoko na mag explain!

"Gaga to baket nga"



"E kasi nga di naman sya magagawang mahalin ni Cynas nyan. Kilala ko si Cynas lalaki talaga gusto nya buong buhay nya. I felt sad for Deveah kasi papanagutan sya ni Cynas just because of their child at di dahil nag mamahalan sila" deretso ko ng sabi.

Natahimik sya saglit sa sinabi ko. Akala ko nakatulog na sya pero bigla ko naman narinig ang pag buntong hininga nya.

"Ang nega mo"

"WHAT?"

May mali ba sa sinabi ko?

"Wag mo kasi pangunahan si Cynas. Di naman natin alam baka mag bago ang ihip ng hangin"



Ewan ko pero parang napakalalim ng sinabi nya para saakin.



"Di porket bakla kami e di na kami marunong magmahal ng babae."

Napabangon ako sa sinabi nya. Sinasapian nanaman yata sya ng masamang espirito kaya nya nasasabi yan.

Tinignan ko sya sa baba pero naka pikit sya.

"Na try mo na bang mag mahal ng babae?"

Malay natin may experience sya.

"Hindi pa. Nakakadiri kasi e" agad naman nyang sagot.

The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now