Chapter 11

438 29 1
                                    

QUINJEL

Nagising ako dahil sa sobrang lamig ng aircon kaya agad ko naman hinanap ang remote para hinaan iyon.


Agad kong naalala ang apat na iniwan ko sa sala. Anong oras kaya sila natapos kanina?

Kinuha ko ang phone ko sa gilid ng kama at tinignan kung anong oras na. 2:54 na nang umaga.

Bumangon ako at lumabas ng kwarto para tignan ang sitwasyon nila.Pansin kong bukas parin lahat ng ilaw.

Don't tell me hanggang ngayon di parin sila tapos?

Agad kong tinungo ang sala at tumambad saakin ang dalawang malaking bote ng alak na wala naman kanina bago ako matulog.

Bumili pa talaga sila.Grabe.

Nakita kong nakahiga sa sofa si Fern na mahimbing na natutulog at doon ko lang din napansin si Jani na nakaupo sa sahig habang nakasandal ang likod sa upuan ng sofa sa paahan ni Fern.

Mukang naparami ang inom nya. Nasan na kaya yung dalawa bat wala dito.

Nilapitan ko naman si Jani at naupo sa gilid nya saka sya inalog alog para magising.



"Sis sis sissss uyy lipat ka sa kwarto bat dyan ka natulog." pang gigising ko sakanya pero puro 'hmm' lang sagot nya sakin.

"Bakit ka kasi nag pakalasing hays". Inayos ko ang pag kakaupo nya para mabuhat ko sya ng maayos.


Pero nung akmang bubuhatin ko na sya bigla nyang hinawakan ang kanang kamay ko kaya nabigla ako at napatingin sakanya.


Gising sya oshete! Seryoso syang nakatingin saakin.

"What are you doing?." Tanong nya habang deretsong naka tingin saakin.

Parang hindi sya lasinggg!

"Ah eh, sis dun ka matulog sa guest room wag dito".

Oshete!!! deretso parin syang nakatingin saakin. Natatakot na ako baka bigla nyang baliin leeg ko o kaya yung kamay ko! Ang higpit panaman ng hawak nya huhu black belter panaman yan sa taekwondo paanong di ako matatakot. Wala pa akong idea na ganito pala sya malasingg. NAKAKATAKOT!


Di ko alam kung narinig nya ba yung sinabi ko o ano. Napaka seryoso ng tingin nya sa mga mata ko tas biglang bumaba sa ilong ko tas sa...


Sa...











Lips ko.










Natulala nanaman ako sa paraan ng tingin nya sa labi ko. Shit masama na talaga to. Takbo na Quinjel TAKBOOOOOOOOOOOO.

PERO PANO AKO TATAKBO HAWAK NYA AKO HUHU.


Ilang segundo lang at thanks god inalis nya na din tingin nya saakin. At bumalik nanaman sa pag ka titig sa mata ko.



OH GOD NO! PLEASE! NO WAG GANYAN JANI!






"Ja-jani halika na lasing ka na e huh. B-bitawan mo na ako para mabu-"






"You talk too much... "




And with that...









With a single snap..









She kissed me.





The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now