Chapter 16

440 27 5
                                    

QUINJEL







Hindi nyo alam kung gano ako kinikilig ngayon sa posisyon naming dalawa ni Jani dito sa kwarto ko hihi.






Utak nyo green ah. Mali yang nasa isip nyo mga mare.





Eto kasing si Jani katapos naming kumain kanina e naisipan nyang mag libot libot dito sa bahay. Tuwang tuwa pa nga sya nung makita yung swimming pool sa likod nitong bahay kase daw may slides jusko dai kung yan lang naman magpapasaya sakanya papagawa talaga ako isang malaking swimming pool sa ipapagawa kong bahay para sa magiging pamilya ko saka ko papalagyan ng limang slides para sakanya.




Yun ay kung magiging asawa ko sya hehe.




Pero mabalik tayo. Ngayon kasi si Jani mahimbing na natutulog dito sa tabi ko parehas kaming nakahiga dito sa malaki at malambot na kama.


Nakaunan pa sya sa braso ko mga mare at nakayakap pa kaya tuwang tuwa talaga ako kasi ang lapit namin sa isa't isa hihi ang manyak ba?  Okay lang yan magiging asawa ko din naman sya. Tiwala lang tayo kay inang kabaklaan.




Ganito kasi ang nangyare bago kami mapunta sa gantong sitwasyon. Dahil nga tuwang tuwa si mareng Jani nyo sa swimming pool kanina e inabot kami ng ala sais kakaswimming, ay mali sya lang pala tas ako tamang bantay lang sakanya.




Nag simula kasi yan sya mag swimming mga bandang ala una kaya ayan pagod na pagod ang lola nyo. At kaya yan nandito sa kwarto ko ay dahil gusto nya pa daw manuod ng Titanic pero mga dzai wala pang 30 mins yung palabas bagsak na ang lola nyo.





Tsaka di ako yung nag lagay sakanya sa ganyang posisyon no. Basta lang sya humiga sa tabi ko kanina tas yumakap yakap pero alam ko namang pasimple nya lang dinadama yung abs ko tas ako naman kunwari nandidiri pero gusto naman talaga tas tinry ko pa syang itulak papalayo kahit acting lang pero di naman sya nag patinag sinabihan pa akong maarte e parehas naman daw kaming girl.




Pag nabuntis kita ewan ko nalang kung masabi mo pang parehas tayong girl. Kaloka ang tomboy ko na talaga.





Kaya ayan tamang cuddle lang kami dito hihi feel ko talaga na couple kami. Naka ilang picture na nga ako saming dalawa pang remembrance tas bawing bawi pa ako dahil natititigan ko ngayon ang napakagandang muka ni Jani.



Grabe talaga ang mga Morvitch walang tapon sakanila. Kahit nga yung kuya nyang si Jaxen which is yung panganay nila naging crush ko  nung college, e mag kaklase kasi kami nun pero ang kwento saakin ni Navill nag ka pamilya na sya.





Ewan ko lang kung alam ni Jani na kabatch ko ang kuya nya. Ayoko din naman kasing banggitin nag mumuka talaga akong matanda tss.




Buti nga 8 years lang agwat namin no ung iba nga 20 years e. Tsaka wala naman sa edad yan kahit 28 na ako napaka fresh ko padin duh kaya nga bagay na bagay kami ni Jani.




Naramdaman kong humigpit ang yakap sakin ni Jani kaya natigil ako sa pag mumuni muni ko.




"Nilalamig ka ba Sis?" Mahinang tanong ko sakanya pero di naman sya sumagot.




Mas siniksik nya lang yung sarili nya saakin kaya naman inayos ko ang kumot na nakatakip saaming dalawa saka ko kinuha ang remote ng aircon na nasa gilid ko at hininaan iyon.



Malakas kasi talaga ako mag paaircon, e kasi nga kanina pa nangangamatis ang muka ko dahil kinikilig ako kay Jani hehe.




Nag pasya na akong patayin na ang TV dahil wala na din naman ako maintindihan sa nangyayare sa Titanic. Mas gusto ko pa panuorin ang muka ni Jani hindi pa nakakasawa.



The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now