Chapter 17

401 21 0
                                    

QUINJEL



Tanaw ko na ang isang malaking kulay itim na gate na sinabi ni Jani na duon daw ang bahay ng grandparents nya.



Gate palang bongga na halatang mayaman ang mga nakatira.




Nang tumapat na ang kotse namin duon ay may lumabas na isang lalaking naka itim na suit. Guard yata nila ito.


Agad naman syang lumapit at hinintay na bukasan ko ang bintana ng kotse tinted kase to ott.



Pag kakita nya saakin ay medyo nag taka pa sya.



"Kasama nyo ho ba si Ma'am Janiva?" Tanong nya.



Bigla naman umepal si Jani na nasa tabi ko.


"Hi Kuya! Andito ako kasama ko sya." Tukoy nya saakin.


Tumango naman si manong guard tas pumasok ulit sya loob at bigla namang bumukas ang gate. At sumalubong saamin ang madaming lalaking naka itim.



"Wow may hukbo pala kayo ng mga kulto Sis" manghang sabi ko.




"Sira, mag drive ka na para makapasok na tayo." Utos nya naman.




Pero grabe talaga andaming bantay na naka helera dito sa gate puro naka itim panaman. Muka talaga silang kulto huhu.




Pag pasok palang sa gate ramdam na ramdam ko na ang pagiging mayaman ng mga Morvitch grabe. Sa totoo lang mas mayaman pa sila kumpara saakin kaya nga kilalang kilala ang pamilya nila.



Pero kahit ang yaman na nila. Nag tatrabaho padin saakin si Jani like duh yung pag bibigay ko ng sweldo kay Jani e parang dagat na dinadagdagan ko ng tubig.



Pero buti nalang tinanggap nya padin yung alok ko no ang laking tulong nya kaya sa company ko lalo na't lahat ng designs nya walang palpak lahat kabog.






Yung kambal na Morvitch kase di naman sila talaga regular na models ko. Minsan lang yan pumunta sa shoot dati, pero dahil kapatid na nila yung head designer ng company aba todo support ang dalawa. Isang text lang ni Jani pupunta agad sila.




"Hoy bading natutulog ka nanaman ng gising! Wala ka bang balak bumaba?" Putol nya sa muni muni ko.




Nag kukwento pa ako e epal talaga.




"Eto na nga bababa na nga e."



Pagkababa palang ng sasakyan ay agad na kaming sinalubong ng mga maids nila. Panay bati naman sakanila ni Jani at ganun din sila. Mukang mabait talaga itong si Jani sa mga tauhan nila sa bahay. I mean mansyon.



Inassist nila kami hanggang sa makarating kami sa pinaka bonggang sala nila at sabay naman kaming naupo roon ni Jani.



"Sandali lang po ma'am tawagin ko na po si Madam" paalam ng kasambahay nila.




Tumango naman si Jani saka nabaling ang tingin saakin.



"Ang ganda ng bahay no?"-jani

Tumango tango naman ako sa tanong nya dahil nakakamangha talaga ang laki nito lalo na ang pag kakadesign ng architecture nito na sa tingin ko inspired sa greek architecture.



The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now