Chapter 39

278 19 13
                                    

QUIN

"Oy bakla ikaw ha, nakita kita kanina lumabas sa kwarto ni Jani girl. Anong eksena ha?may nangyayare na ba?" Bungad ni Fernando  na mukang ni rape ng sampong aso dahil sa buhok nyang sabog na sabog. Kaya di na ako magugulat kung isang araw hinahabol na sya ng suklay.

Chanak talaga to. Baka gusto nya munang mag good morning ano? Bungad na bungad e.



"E kung mag suklay ka muna kaya bakla no? Umagang umaga ang kung ano ano nanaman ineechos mo." Sagot ko naman saka ipinag patuloy ang pagkain. Well di naman echos yung sinabi nya kase galing naman talaga ako sa kwarto ni Jani hehe. Ang mema ko.

Btw nasa dining area kasi kami at malamang kumakain ng almusal. Alangan namang matulog kami diba? Char.

Bahagyang napa ngiwi na lamang si Fernando saka sinuklay ang buhok gamit ang kamay at naupo na sa tabi ni Nido na may sariling mundo nanaman.

E pano kanina pa malalim yung iniisip tapos sinasampal pa yung muka nya sabay sabunot sa buhok.

Baka adik na sya? O baka may nangyari kagabi nung iniwan namin sila? O baka nakakita ng kipay?


Overthink malala yarn?chos.

"So when ang kasal bakla? Inuna nyo pa honeymoon kesa sa kasal kaloka ka grabe ka panaman makahalik kagabi parang walang bahid ng kabadingan" Pageepal nanaman ni Fernando habang tinutusok ang grapes na nasa plato nya.




Di talaga sya titigil mangealam ano?sabagay curious talaga yan e pano walang sariling love life.

Pero infairness kay Fernando ang laki din ng ambag nya sa love story namin ni Jani.



"Mamaya yung kasal bakla tsaka di ka naman invited at kakain muna akong almusal pwede ba?" Mataray ko ring sagot. Papatalo wari ako sa katarayan nya? Nah. Hell naw.

At kung ikakasal kami ni Jani gagawin ko nalang syang ring bearer tutal bida bida sya palagi hehehe.


"You two, shut the fvck up. Nasa harap kayo ng pagkain oh baka uso ang respeto?" pag epal naman ni lola Arnaldo nyo kaya napaayos kami ng upo ni Fern at natahimik na.


Eto kasing si Fernando e ang ingay ingay sa umaga. Daig nya pa yung mga manok sa labas.

"Nag tatanong lang e sunget." Bulong pa ni Fern.

Ay di ko sureness kung bulong ba yon e dinig naman naming lahat.

Hays. Tagal naman kasi ni Jani bebelabs 'KO'. Taray proud yarn? E pake nyo ba? Char.

Naliligo kase si Jani nung lumabas ako ng kwarto. Bilin nya pa na mauna na raw akong mag almusal at susunod nalang daw sya.

E kahit naman ayaw kong sumunod e wala na akong nagawa kasi baka mainis nanaman sya sakin hehe.

Kung alam nyo lang.

Sinikmurahan nya lang naman ako kanina bago sya pumasok ng banyo kase pambawi nya lang hehe. Pero okay lang yon di naman masakit yung suntok nya parang  hampas lang ng dos por dos yung sakit hehe. Pero alam ko namang may kasamang pag mamahal yon.


Next time di ko na sya bibitinin ng ganon. Baka black eye abutin ko. Kawawa naman ang kagandahan ko.

Ayoko namang bawasan yung mga magagandang nilalang sa mundo no.


Nabalik naman agad ako sa reyalidad ng biglang tapikin ni Fernado si Nido ng pagkalakas lakas. Not sure kung tapik ba yon o sapak.

"Hoy bading keri pa ba? Baka sampalin ka na ng kutsara mo kakatitig mo dyan." Kunot noo pa nyang sabi.


The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now