Chapter 31.2

305 17 3
                                    

QUINJEL

Ano ba naman tong alak na nabili ko! Wala man lang katama tama. Halos makalahati ko na pero alaws pa rin ang epekto. Isang oras na kaya akong umiinom dito no.

Ang sakit na nga sa lalamunan e, wala panaman  akong pulutan kainis. Tapos yung bebelabs ko hindi na lumabas ng kwarto nya tsk.

Wala yatang balak magluto ng hapunan.

Edi don't. Hindi nalang kami kakain!

Ipinagpatuloy ko pa ang pag wawalwal ko ng marinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pintuan ni Jani na ibig sabihin naisipan nya ng lumabas sa lungga nya.

Pero syempre hindi ko sya tinignan kasi pabebe tayo at pinakiramdaman ko lang ang yabag nya na papalapit saakin.

Hanggang sa makarating sya sa gilid ko at naupo. Pero syempre hanggang ngayon nag tatampo ako kaya hindi ko parin sya nililingon. At nag busy busyhan nalang ako sa pag inom ko ng alak.

Alak na parang juice pisti.


"May problema ka ba?" Dinig kong tanong nya.

Tss. Tapos ngayon mag kakainteres syang itanong kung anong problema ko.



BAKIT HINDI NYA NALANG ITANONG SA CHANAK NA BENTLEY NA YON!


"Nothing, gusto ko lang talaga uminom" deretsong sagot ko naman. Saka tumungga ulit at hindi pinansin ang titig nya.

Pilit ko lang kinakalma ang sarili ko. Kasi anytime feel ko talaga ang sumabog.

Bomba yarn?


"Fyi hindi ka umiinom ng walang dahilan bakla" masungit na litanya nya pa.

Tss. Mag tatanong tanong tapos di naman paniniwalaan.

"O edi may problema nga ako" iritableng sagot ko at seryoso na tumingin sakanya.

Nakatingin din pala saakin ang gaga.

Tsk. Ayan nanaman yung tingin nya na hindi mo mawari kung nagaalala ba sya o ano.

"You can tell me"

Paano ko naman sasabihin sayo e ikaw naman yung dahilan kung bat ako ganito ngayon.

"No need. Keri ko na to sis" walang kagana ganang sagot ko saka ibinalik ang tingin sa hawak kong alak na walang katama tama.

Wag mo nalang ako intindihin jani, makipag meryenda ka nalang don sa aswang na Bentley.

Pag talaga ako di nakapag pigil. Tatanggalin ko na talaga yung bwiset na yon sa kumpanya ko. Hadlang sa buhay ko at sa lab story namin ni Jani.

"Sure ka? ayaw mo mag kwento?" Tanong nanaman nya.

Tumango naman agad ako.

"Hindi rin naman ganoon ka importante" saad ko pa. Saka nainom ulit.

"Okay sabi mo e, ako nalang may chika sayo Sis" sabi nanaman nya. Na akala mo'y excited dahil sa masayang tono nya.

Tsk. Anong ichichika nya? Na nagkausap silang dalawa ni Bentley kanina? Na sabay silang nag meryenda sa labas ng hindi ako kasama??

Bwisit.

"Ano yon" pigil na inis na sabi ko nalang.

"Naalala mo yung Bentley na nag bigay ng calling card saakin dati?"

The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now