Chapter 14

396 25 2
                                    


JANIVA

2weeks na ang nakalipas pero ganun pa din. Walang paramdam si Quin saakin pero nagagawa nyang mag reply kay Leb bwiset sya! Wala talaga akong maalalang ginawa ko para magalit sya saakin at kung meron man bakit wala akong maalala at bakit di nya sabihin sakin ng harapan??

Tss lalo lang ako na sstress sa baklang yon. Makakatikim talaga ng flying kick sakin yon pag nakita ko sya.

Sa loob ng two weeks naging busy din ako trabaho dahil nag advance ako sa mga designs para pag pumunta akong pangasinan di ako matatambakan ng trabaho pag balik.

Actually bukas na ang byahe ko papuntang pangasinan kaya heto ako ngayon inaayos ko ang dadalhin kong damit at gamit para bukas.

Sana lang talaga nandun sya sa adress na binigay saakin ni Fern. Nakakabwiset kayang mabokya no.



Mag ready ka na ng explanation mong bakla ka patay ka talaga sakin.


----


QUIN



Tuesday 10 am...

Busy ako ngayon sa pagluluto ng cookies dahil wala lang trip ko lang. Sobrang bored na ako dito huhu bwiset kasing Arnaldo na yun may nalalaman pang pa test test kuno pero wala naman epekto mas lalo ko lang na mimiss si Jani huhu.

2weeks palang pero nakakaramdam na ako ng pangungulila. Unang araw ko palang kasi dito kung ano ano na ang ginawa ko para makalimot sa namumuong feelings ko para kay Jani.


Nag punta ako sa iba't ibang gay bar para mag aliw aliw pero wala talaga ee. Andami kong nakitang gwapo don at mga naka bakat na talong pero yung tuwa ko parang 30 over 100 lang huhu.


Nung sumunod na araw naman nag try pa ako ulit humanap ng mga gay bar na maraming fafa at di naman ako nabigo na makahanap pero hanggang fling lang talaga wala akong maramdaman na gusto ko talaga sya kahit napaka gwapo nya pa, kaya tinigil ko nalang yung kahibangan ko.

2 days na din akong di lumalabas dito dahil wala akong gana. Namimiss ko lang si Jani hays.


Yung ginagawa ko lang dito sa malaking bahay na to ay ang mag luto, sumayaw sayaw, at mag linis. Wala kasing kasambahay dito e kaya ako lang mag isa pero okay lang kase nakakapag cross dress ako dito at konting blush on hehe.


Sa katunayan nga nyan naka dress ako ngayon kase feel ko talaga ang pagiging house wife lalo na't nag bebake ako ng cookies hihi.


Alam ko nag tatampo na yun si Jani saken o baka nga galit na galit na saakin yun. Umalis akong walang paalam.

Nag palit din kasi ako ng sim para di ako mahirapan. E alam ko namang tatadtadin ako ng tawag nun  o kaya text hays.


Sorry talaga Jani.



Nasa kalagitnaan ako ng pag eemo ng biglang mag ring ang phone ko. Agad ko naman iyon kinuha at nakita kong si Leb ang caller.

Alam ni Leb kung nasan talaga ako pero sinabi ko sakanya na wala syang pag sasabihan na kahit sino. Lalong lalo na kay Janiva.



"Yes?" Tanong ko nang sagutin ko ang tawag.


"I'm sorry Mr. Valtesco I forgot to tell you yesterday that Ms. Creel said to me that she's taking a leave for a while"

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya.

"Bakit daw?" Agarang tanong ko.

The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now