CHAPTER 37

315 27 15
                                    

FERN

"HOY BAKLA! KERI PA BA TODAY!?" Sigaw ko sabay kalampag sa pintuan ng banyo kung saan nagdadasal ngayon si mareng Arnaldo.

Jusko mga dai nakuha ko ng mag retouch, mag mirror selfie, kumanta at mag twerk dito sa banyo kakahintay sa baklitang to pero hanggang ngayon di parin sya tapos. Nag aalala na ako baka kinain na sya ng inidoro myghad!

"Can't you wait?!" Sigaw naman nya pabalik at halatang naiinis na rin sya.

"Anong can't you wait ka dyan. Fyi kanina pa ako nababagot dito kakahintay sayo myghad. Baka nakakalimutan mong iniwan natin si Jani girl don ng walang pasabi. Kating kati na rin akong gumiling giling kaya please lang, dalian mo nang makipag meeting kay noynoy aquino bwiset!"

Nauurat na talaga ako mga dai. Ilang minuto na kaming nandito mga 20 minutes mula nung iwan namin si Jani girl dun. Eto naman kasing si Arnaldo di ako sinabihan na ngayon ang kabwuanan nya myghad biglang nanganak!

Di nya kasi kami nainform na nag dadalang tae pala sya.

Joke lang heheh peace!


Hay nako makapag selfie na nga lang ulit. Bawal ka mastress Fern mag kaka wrinkles ka.








Ilang saglit lang at sa wakas lumabas na rin sya at nag deretso sa sink para mag hugas ng kamay at sandaling mag hilamos. Binasa nya rin ng kaonti ang kanyang buhok habang ako naman ay nangangasim na ang muka habang pinapanuod sya.

"Welcome back sa Lupang Silanganan Arnaldo. Kamusta ang People power revolution?" sarkastimong sambit ko.

Sinulyapan nya naman ako mula sa repleksyon ng salamin at inirapan ako.

Aba! Ako na nga tong nasira ang beauty kakahintay sakanya sya pa tong may ganang umirap saakin.tss

"Tara na" yun lamang ang sinabi nya at nauna ng lumabas ng banyo kaya naman sumunod na lamang akong nakabusangot.

Kung hindi ko sya sinamahan edi sana may kasayawan na akong fafabols hays. Sasabunutan ko talaga sya pag lumipas tong gabi ng wala akong nakalandiang gwapo.

Nakasunod lamang ako sa likod ni Arnaldo hanggang sa makabalik kami sa kumpulan ng mga taong mabagal na sumasayaw ngayon kasabay ng mabagal na musika.

Lalong sumimangot ang muka ko dahil wala naman akong kapartner para sumayaw dyan tsk! Kasalanan to ni Arnaldo e!

Hay ewan! Hanapin ko na nga lang si Jani girl nasan na kaya yon... Sya nalang i-partner ko para di ako ma-lonely.

Papalapit na kami ni Arnaldo sa kung saan namin iniwan si Jani girl kanina pero bigla namang nahinto sa paglalakad si Arnaldo sa harap ko kaya sumalpak ang muka ko sa likod nya.

"ANO BA BAKLA!" singhal ko sakanya sabay palo sa likod nya.

Yung precious nose ko huhu. Namumuro na syaaa.

"Bakit ka ba kasi biglang huminto ha?!" Inis na tanong ko habang naghihintay parin sa likod nya.

Pero wala akong marinig na sagot at nanatili lamang syang naka tayo.

Tss. Nabingi na ba sya kakalabas ng sama ng loob kanina sa banyo? Myghad!

Bahagya ko syang tinulak para makadaan ako sa gilid nya. Nakita nya yata ang medusa ng buhay nya kaya nabato sya dyan tss.

The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now