Chapter 21

404 19 0
                                    

QUINJEL

10 pm na pero nandito parin ako sa sala busy sa panonood ng kdrama na Goblin hehe episode 4 palang kasi ako at balak kong tapusin hanggang episode 7 kasi di ako pwedeng masyadong mag puyat dahil bukas na ang balik namin ni Jani sa Manila.

Oo bukas na talaga ang uwi namin dahil wala na akong balak ituloy yung isang buwan na sinasabi ni Arnaldo. E para san pa ba yon? E kumpirmado ko na sa sarili ko kung ano ba talaga nararamdaman ko kay Janiva ghorl. Tsaka kasama ko nga sya ngayon,  e yung pinunta ko dito ay para iwasan sya diba?

Pero tignan nyo naman, Inang kabaklaan na ang nag lalapit saamin hays.


I love you na talaga Inang kabaklaan your the best!



And speaking of Jani, nauna na syang natulog kesa saakin. Napanuod nya na daw kasi itong Goblin e kaya natulog nalang sya at hinayaan ko nalang.

Syempre ayokong napupuyat ang asawa ko shshsh charut.


Assumerang bakla e nu.

Patuloy lang ako sa panunuod hanggang sa napansin kong wala na akong popcorn.
Grabe naman ang bilis maubos. Butas yata tong lalagyanan ko e.

Nipause ko muna ang pinapanuod ko at tamad na tumayo papuntang kusina para mag refill ng popcorn.

Pagkatapos ko makapag refill ng popcorn ay agad na akong bumalik sa sala. Pero nagulat ako ng nakahiga si Jani sa sofa na inupuan ko kanina, dala pa nya yung kumot nya.



"Akala ko ba tulog ka na?" Agad na tanong ko sakanya nang makalapit na ako at inilapag ang popcorn sa mesa saka ako umupo sa may paahan nya.

Tss sinakop ang buong sofa e.

"Di kasi ako makatulog." sagot nya saka bumangon at naupo sa kabilang dulo ng sofa.

Di kaya sya naiinitin nyan? Balot na balot sya ng kumot.

Umayos naman ako ng upo at pasimpleng umusog papalapit sakanya hehe.


"Gusto mo ba kantahan kita para makatulog ka?" Alok ko. Habang pangiti ngiti pa.

"Baliw ampangit ng boses mo." agad naman nyang sagot.

Ay grabe sya heheh kantahan ko sana syang let it go sayang naman.


"Arte mo ah eto nalang oh kain ka popcorn. " alok ko sakanya saka lumapit ulit ng bahagya.

Hehe para-paraan mga mars.


"Ayoko si Sis nag toothbrush na ako e" pag tanggi naman nya.

Edi wag kase arte sus.

Itinuloy ko nalang ulit ang panunuod ko ng Goblin at hinayaan ko nalang din manuod si Jani.

Pero wag kayo chosera dyan syempre pa simple lang akong sumusulyap sakanya hihi di ko na nga maintindihan yung nangyayare sa goblin e papanuorin ko nalang ulit pag balik namin sa manila.

Ilang minuto palang ang nakalipas nang mapansin ko na ang mga mata ni Jani ay paunti unting pumipikit.

"Balik ka na sa kwarto Jani. Antok ka na oh" sabi ko sakanya.

Tinignan naman nya ako ng namumungay ang mga mata.

"Tamad na ako Quin. Paunan nalang sa legs mo ha" sabi nya saka mabilis na lumapit saakin at nahiga saka ginawang unan ang legs ko.

The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now