Chapter 18

409 27 3
                                    

QUINJEL



Kasalukuyan akong nandito sa may pintuan ng garden nina Mamila habang nakatayong pinagmamasdan si Jani na natutulog sa may bench dun malapit sa mga bulaklak na kulay blue.



E hindi ko alam ano tawag don hehe.



Kakatapos ko lang mag tour dito sa bahay nina Mamila. Si mamila pa nga sumama saakin para igala ako sa mansyon, eto kasing si Jani biglang nawala kanina tapos sabi ng maid nila nag didilig daw sya sa garden kaya after ako iwan ni Mamila nung matapos kami maglibot ay hinanap ko agad itong garden.



Pero hanggang pinto lang tayo mga mare, bawal tayo dyan haha baka matigok tayo ng maaga.



Kahit medyo malayo sya mula dito sa puwesto ko ay tanaw ko padin ang maamo nyang muka pag natutulog. Naalala ko nanaman tuloy nung tabi kami matulog hihi. Kilig si bakla.




Pangiti ngiti lang akong kinikilig habang nakatayo dito sa may pintuan na parang tangang babae na patay na patay sa crush nya nang biglang...






"Bakit hindi mo sya lapitan duon."





Nagulat naman ako sa biglang pag sulpot ni Mamila sa gilid ko. Grabe naman to si Mamila sabi nya may gagawin sya kanina kaya nya ako iniwan.



Napansin nya yatang nakatitig lang ako kay Jani huhu nakita nya kaya akong parang tangang naka ngiti dito? Nakakahiya naman kung ganun huhu.




"Ah e ano kasi Mamila, Allergic po ako sa flowers." Nahihiyang sabi ko at napayuko nalang.




Nag lakad pa papalapit saakin si Mamila at sumandal sya sa gilid ng pinto at tinanaw din ang apo nya.



"Paano nyan? E yang apo ko mahilig sa mga bulaklak." Natatawang sabi pa nya habang nakatingin parin sa natutulog na si Jani.


Nag taka naman ako sa tanong ni Mamila pero baka naaaning lang siguro ako.

"A-ayos lang naman po saakin." Tanging nasabi ko nalang. Di ko kasi alam kung anong isasagot e.



Nakangiting bumaling ng tingin saakin si Mamila. Grabe yung ngiti ni mamila katulad na katulad ng kay Jani!



"I saw the way you look at my Sweetie, the way you smile while staring at her, the way you talk to her... I knew it."




Deretsong nakatingin saakin si mamila nyan ah at kinakabahan na ako mga mare. Anong alam nya????






"Mr. Valtesco, I know you like my granddaughter."




Oh Shoot.









Shotakels lupa kainin mo na ako huhu.






Alam ko pinag papawisan na ako ng malamig ngayon dahil sobrang kinakabahan talaga ako.



Paano nya nalaman?? Howw?? Howwwwwww??? Ganon naba talaga kahalata na gusto ko si Jani ha? Kahit tingin palang malalaman na agad?????






"A-ano ba kayo Mamila, i-imposible naman po yang sinasabi nyo." Nahihirapang sabi ko saka nagiwas ng tingin.






Jusko mapapalayas yata ako ng wala sa oras dito huhu.





"Haha you can't fool me iho. Ganyan na ganyan din ang reaksyon ni Simon nung pinapaamin ko sya na mahal nya na ako." Patawa tawa pang sabi ni mamila.





The Jack Of The Queen  (on-going) Where stories live. Discover now