4. III - Music

12 0 0
                                    

Sa mundong ito ikaw ay pinagyabang
TINURUAN ka kung paano GUMALANG
Pagmamahal nila sayo'y 'di matimbang
Ingat yaman ka nang iyong mga magulang

Mamahalin kang HIYAS sa kalupaan
Magulang mo'y ingat kang binabantayan
Binusog ka nila ng PAGMAMAHALAN
GINABAYAN sa tinatahak mong daan

Isang binatang may SAKIT SA ISIPAN
Mga imahinasyon ay 'di mapigilan
S'ya'y sinuportahan at 'di pinigilan
Sa mga Kilos at gawing nakasanayan

Si music ay naglakbay sa KAHARIAN
Napadaan, na ALIW sa nasaksihan
Mga makulay na MANOK ay nagkumpulan
Sa isang lugar, TUPADANG binansagan

PULIS PUMATAY NG SIBILYAN ng bayan
Turan inagaw ang baril at NANLABAN
Christopher Salcedo ang kanyang pangalan
Na kinakampihan ng pamahalaaan

Dating TAGAPAGLIGTAS ng atin bayan
Ngayon PUMAPATAY sila ng MAMAYAN
Para sa PERA at KASINUNGALINGAN
Gusto ipaslak sa isip nang mamayan

Kaawa-awang music na binansagan
Pinatay s'ya na walang kalabanlaban
Sigaw natin ay HUSTISYA't KARAPATAN
Sa binatang may AUTISM kinitilan

MUSIC huwag kang MATAKOT at MANGAMBA
Lumakad ka ng paakyat at huwag pababa
Naghihintay sayo atin AMA sinasamba
At s'yang aalalay nang 'di ka matumba

Talaang TulaWhere stories live. Discover now