6. XXXVIII - Vina

2 0 0
                                    

Simpleng pahayag lamang
Batid ko may paggalang
Sa pamilya matimbang
At sa puso ingatang

Gumamela ka lambon
Alas ka mg pag-ahon
Mga Pagsubok ng alon
Ay kaya mong bumangon

Sa mga agos ng buhay
Marami ka inalay
Upang maibibigay
Ang hiling ng gumabay

Sila ang pamilya mo
Palaging sa likod mo
Gumabay sa plano mo
At sa kabutihan mo

Talaang TulaWhere stories live. Discover now