5.II - Lang

3 0 0
                                    

Lang! Salitang hindi ka interesado
Para sa'yo isang malaking LANG akin mundo
Pinaligaya mo sa apat na taon
Lang din pala yung matamis na usapan noon

Hindi ko mabatid ano ba tayo noon
Anong meron sa malanding ugnayan natin kahapon
Pang-apat na taon na natin ngayon
Lang lahat ng sayo ang bawat ala-ala ng kahapon

Ang tindi mo! Sa atin dalawa ako lang!
Ang nagsasabing may relasyon tayo "lang"
Kaya pala mas maasikaso ako kay sa'yo
Mas maraming oras na nilalaan ko sa'yo

Tapos ito Lang ang sasabihin mo
Matapos ko ibagay sa'yo
Lahat ng nais at mga luho
Mapasaya lang ang mundo mo

Dahil sa una natin alitan
Ikaw ay sa akin ay lumisan
Mga araw na nagdaan
Ikaw ang laman ng akin isipan

Hinihintay parin ko ang iyong pagbabalik,
Sa maganda mong ngiti ako'y sabik na sabik.
Hindi ko malimutan ang matamis mong halik
Yaong ala-ala nito ay sa akin pumitik.

Pero ano itong akin nabalitaan
Tinuturing mo nalang daw akong matalik na kaibigan
At mga alala namuo iyo daw kinasuklaman
At pinagsisihan ang mga kahapon nagdaan

Bumalik ka dito at harapin mo ako,
Sabihin mo sana mismo sa harapan ko
Nang hindi tuluyan masira ang akin isipan
Sa kakaisip kung paano masusulusyunan ang alitan

Harapin mo ako na may tunay na damdamin
Nang hindi mag dilim ang akin paningin
Bakit kasi ako pa yung napili mong landiin,
At umaarte tayo maaliwalas na butiin

Kung sa dulo Lang pala nito ako ay papaasahin
At napiling paglalaruan na damdamin
Ngayon sino na ang aking sisisihin?
Ako na ibinigay ko na ang lahat ng meron sa akin

Kaya kung mabasa mo ang panulaan ito
Akin ihahayag sa mga talaan
At iaanunsyo sa mga matalik na kaibigan
Ng sa iyo makarating ang mensaheng nakalaan

Total lang naman sayo ang lahat
Lang din sayo ang pag-ibig na tinapat
At sinira mo ang pangako natin isinigaw sa dagat
Na hinulma natin na ang pag-ibig na ito ay isang alamat

Hindi ko kailangan sayo mag pasalamat
Dahil LANG naman sayo ang lahat
Gayun din ang mga basura mong ulat
Dahilan kaya ang relasyon ba o landian may lamat

Kapag ito makarating sa'yo
Ako iyong harapin sa harap ni Gng Sayo
Ang Tulay kung bakit naging tayo
Sa ganap na oras na tanghali, at sana wag ka mangoyo

Talaang TulaWhere stories live. Discover now