4. X - Matheo tinorture ng mga pulis

6 0 0
                                    

Tiwala ang ibinigay ni MATHEO
Inaasahan n'yang ang mga PULIS na ito
Na mangangalaga't imbestiga sayo
Oras ang naging saksi sa BINTANG 'di totoo

RITMO ng tinig mo ay 'di PINAKINGGAN
Tindig ng mga Letrang iyong binitawan
Ultimo AWIT ng AWA hinayaan
Robot na "LANG" sa nagngingitngit sa ilan

Eto ka! kinulong sa huwad na bintang
Nanahan ka sa rehas at nag-aalangang
Go! Ka parin sa ASA't TIWALA tigang
Punterya ka na nila nang kamatayang

Undas ang sasalubong sa iyong ama
Letrang R.I.P ang mag papaluha sa'yong ama
Ininbita ka dahil pulis ang kasama
Sila pala magdadala sayo sa kabaong kama

Salamat sa mga nabitawan mo salita
Inukit mo ito sa tulad mo maralita
Mahal mo parin sila kahit 'di kita
Awit ay Hustiya at sana'y makita

TINORTURE ka nang mga pulisya sa selda
Halaw sa kapwa nakakulong sa selda
Eh, sila ang saksi, kahit ang matanda
Orasan nila'y naghihintay sa selda

Talaang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon