Ang buong sanlibutan ay nagdurusa
Dahil sa dulot mong sakit na dinala
Ni hindi batid kung saan ka nag mula
Kung galing ba sa pashnea... Ihing basa?Marami ang naghinagpis dahil sayo!
Nang angkin ka nang buhay 'di naman sayo.
Maramo rin namatay dahil sa iyo!
At bilyon ang mga nagluksa dahil sayo.Anong klase kalaban ka Covid 19
Kung 'di ka makita ng aming paningin
Sa paanong paraan ka tatapusin,
Kung walang may alam kung pano ka patayin.Milyon narin ang na pinsala mo samin
Gaya ng negosyo kong Tela at satin
Gayon din ang mga ekonomiya namin
Pagnaglaon ito'y amin babawiinAng lahat ng problema ay may hangganan
Malulutas ito sa pagtutulungan
Basta gamitan ng poong panalangin
Sa pangalan ni hesus cristo diyos natin.
YOU ARE READING
Talaang Tula
PoetryAng mga Panulaan, Tula, Poem o Spoken Poetry ay kumakatawan sa kultura, Panitikan pilipino, At iba pa. Ang mga Tema at Pamagat ay Tulang Likha ng may AKDA na nag lalaman ng Katotohanan at Imahinasyon, maaring totoo maari rin kuro-kuro at ang iba ay...