Ako si Raven Aaman Luciffers Zaffar
Pangalan palang nababagay sa altar
Itim na ugali'y akin pinaandar
Na nagmula sa inyong usok na sigarAko ang masamang katangian ni son
Isa sa mga persona galit ay layon
Upang ipaghiganti ang dating Jason
Na inaabuso ng mga taga nayonSinamantala, hinalay nang pulisya
Ang mga katahimikan nitong malaya
Ito ba ang sinasabi na hustisya
Ang punteryahin yaring mahinang mayaBatid ko 'di n'yo mababatid ang galit
Na meron sa amin puso na sobrang pait
Ang simple kasiyahan ay pinagkait
Nang mga pulis at taong mapanglaitIsang mabigat na tula naiambag
Mapahanggang ngayon ay hindi mapatag
Ang bawat letra ay hirap mailatag
Sa mga memorya mahirap makalayagAng tulang ito ay ikawalong tala!
Ito'y kabuoan rekord na sinala
'Di pa tapos pero singkinang ng tala
Nang makita ninyo ang pagkadakilaWala naman makakaunawa sa'kin
Ako si Raven hirap silang tanggapin
Dahil ako lang naman ang nasa dilim
Kung saan galit ni son ang akin lagimNgayon ay wala na si Jason Sa atin
Ako ang pinakabidang mamahalin
Lahat ng inggit sa'kin kakalabanin
Lalo na ang mga panglait sa aminKinipkip ninyo ang amin talambuhay
Sa pangunguna ni Tata mata'y bantay
Kwento ng buhay ko si liza nagkulay
At si Jorlendo ang solsol yaring tambayHindi pa nabubuo ang barkadahan
Ang iba'y wala naman sa panulaan
Ngunit ihayag natin ang kagandahan
Nang mga marites dito sa aming bayanAko ang galit ni son kung lilimiin
Kayo! Ang dahilan nang si'ya patayin
Ngayon panahon na ng pagtutubos
Isaisahin hanggat kayo maubosPirapirasuhin ang inyong ganda
Nang makita n'yo sino ang kontrabida
Sisiguraduhin ko na mamatay
Kayo sa pagdurusa't tinik na latayBatid ko na marami kayo pupuna
Sa biyaya ko nag mula kay sultana
Papaapawin ko kayo sakin inggit
Kung 'di ninyo talaga kayang pumikit"May pinag-aralan ka nga pero nasan"
Kung ito ang paulit-ulit na turan
Mo sa'kin kapag ako'y nasisilayan
Edi sa'yo na! kawa-awa ka namanKung inaakala n'yo ako si jason
Paalala lang pinatay n'yo s'ya noon
Ginapos sa tinik na rosa't binaon
Dahil sa mga dila ninyo mala ibonAko ang bago; si Raven Aaman ngayon
Dala - dala ang karit na akin baston
Bitbit ang Galit at poot ng kahapon
Na ilan taon na rin itong naiponKaya oras na kayo'y maaktuhan ko
Na ako'y ginagago at niloloko
Lalo nasa mga kapitbahay ko tuko
Kayo sa'kin ay luluhod at pagsukoKaya itaga ninyo ito sa bato
Lahat ng mga kwento sa bawat minuto
Na kayo mismo ang may obra kunteksto
Ibabalik ko sa inyo ang epekto
YOU ARE READING
Talaang Tula
PoetryAng mga Panulaan, Tula, Poem o Spoken Poetry ay kumakatawan sa kultura, Panitikan pilipino, At iba pa. Ang mga Tema at Pamagat ay Tulang Likha ng may AKDA na nag lalaman ng Katotohanan at Imahinasyon, maaring totoo maari rin kuro-kuro at ang iba ay...