5. XLVII - ASIN

1 0 0
                                    

Ilan ulit na nga tayo nagkatagpo
Masilayan ka puso ko'y nagtatago
Ngunit hindi ko maihayag sa iyo
Ang mga lihim na pag-ibig ko nabuo

Marami pagkakataon ang lumipas
Sa pag-amin sa'yo ng sinta pagtabas
Sulyap sa mukha mo ay 'di mahagilap
Sinyales na ito ay hindi mo tanggap

Ngayon alam muna ang lihim ko sinta
Umasang lagi mo itong makikita
Ang pag-ibig ko na sinulat ng tinta
Nakalikha ako ng isang talata

Sandata ko ay tulang inihahayag
Lihim na pagtatangi ko inilatag
Yaring bulong ng pusong ko may hinuha?
At nakasaad kailan ka makukuha

Dahil nga isa kang tunay na lalaki
Pag-ibig ko ayaw ko, ipagmalaki
Ramdam ko sa puso mo may pandidiri
Ang magmahalan ang pareho lalaki

Hindi ko rin batid kung bakit ang asin
Ang ikumpara yaong akin pag-amin
Batid ko 'di mo ako kayang mahalin
At suklian ang marupok na damdamin

Pero handa naman ako maging tanga
At lumikha ng isang tulang tanaga
Kung saan ilalahad ko ang paghintay
Sa puso mong kaya muna itong ibigay

Talaang TulaOnde as histórias ganham vida. Descobre agora