Kaarawan ko ba ngayon
Ang bilis ng mga panahon
Bakit ako nasa balon
At ang hirap makaahonOh? Buwan ng wika ngayon
At agosto nang pagtipon
Anong ang mayruon duon
Bakit lahat ay nagtiponYep kaarawan ko ngayon
Muling bubuksan ang kahon
At lalantad ang mga lungkot
Sisingaw yaring mga pootUmay nako sa panahon
At sirang plaka patapon
Paulit-ulit sa layon
Matungunan lang ang ngayonYep kaarawan ko ngayon
At taon namin mga leon
Lungkot ako ang mayruon
Saya naman ang pataponSa laman ng aking kahon
Matatanglaw mo ang nayon
Bawat isa ay patapon
Sa ibat-ibang dimensyonIlan ang mga nakaalala
Sa araw; nakalathala
Tama ang mga takdang hula
Pagmay kailangan kilalaKaloka naman eksena
Halos problema tugma na
Pag-ibig nakakabaliw
Sa utak ko ibang saliwSobra na sa pag-iisip
Maya-mayang sumisilip
Sa gabing nanaginip
Sagot paano matudlipYep kaarawan ko ngayon
Sobrang lungkot ko na ngayon
Ultimo s'ya ay lumayo
At ayaw na pagsuyoIlan lamang ang bumati
Pasasalamat ang ganti
Ngunit iba ang'kin mithi
Puso ang nais na sanhiSaksi ang mga panulaan
Bigat sa puso maibsan
Yawe ay sana pakinggan
Palitan ng kagalakan
YOU ARE READING
Talaang Tula
PoetryAng mga Panulaan, Tula, Poem o Spoken Poetry ay kumakatawan sa kultura, Panitikan pilipino, At iba pa. Ang mga Tema at Pamagat ay Tulang Likha ng may AKDA na nag lalaman ng Katotohanan at Imahinasyon, maaring totoo maari rin kuro-kuro at ang iba ay...