6. VII - Niño

1 0 0
                                    

Ikaw ang pinaka unang
Lalaking, pusong natigang
Segundo ako humahanga
Sayo'y ako laging tanga

Yung pagmamahal ko sayo,
Ay mga sinunod na payo
Noon na magiging tayo
Upos nalang ng sigarilyo

Habang tumatagal ito
Unti unting naglalaho
Sa bawat paghithit nito
Mas lalong hindi na buo

Sa umpisa masaya pa nga
Laban kahit mukhang tanga
Kinikilig makita ka
Pabibo pag na riyan ka

iba ang atin mundo
Matino at ang Magulo
Masaya pagsinusundo
Tapos paksa pangsadulo

Tinanggap ko ang bisyo mo,
Ang paninigarilyo mo
Kahit ayoko sa usok
Tiisin lahat ng sulok

Kahit mag kaibigan lang
Ang paramdam mo sa aking
Okay, basta kasama ka
At mapaliligaya ka

Pero habang tumatagal
Unti-unting sumusugal
Sa pinapangarap natin
Sa mga mundong sasapitin

Gayun pa man sana ikaw
Masaya sa mundong ilaw
Ako ay mananatili
Pagmamasdan ka sa huli

Taon na ang pagtitig ko
Kinalimutan mo ako
Ikaw ay  may kasintahan
Habang ako ay luhaan

Oh niño sinayang mo'ko
Na riyan lang sa tabi mo
Yaring pusong naghihintay
At unti-unting natamlay

Kaya sa bawat hithit mo
Unti-unti naging usok
Ang mga pag-asa ko sayo
At humalo sa mga pook

Ang nadarama ng puso
Ko, ay naging upos, abo
At hindi nababalik pa
Sa puso mong kinakapa

Talaang TulaWhere stories live. Discover now