1. XV - Portal

17 0 0
                                    

Sa pagnipis ng lagusan 

ng mundo Niyo't namin 

Hayaang makadaan kami

Sa hiwagang portal


Kaming diwatang inatasan

May misyon na nakatakda

Na dapat namin gawin

Sa inyo't amin


Sa itinakda na mortal

Na silang hahalili sa atin

Upang maiwasan

Ang anuman sangalot


Sa pagbubukas ng

 Lagusan ng mundo ng imortal at mortal

Hayaang magkapisan

Tao't Ibang Nilalang


Kung makahanap ng ka irog

Sa mag kaibang mundo

Tanggapin at hayaan mag mahalan

Dahil ito ay isa rin susi sa atin pag kasundo


Gabi ng Lagim,

Gabi ng Lakas.

Gabing salamisim

Gabi ng takot. 

Ng pagkakatuklas.


Ako ang diwata ng lahat

Elemento iyong isipin

Ay isa sa aking katangian

Na pinag kaloob ng makapanyarihan na akda


Ganap o kulang 

Hayaan na lamang

 Pagkat gayon nga

Ang aking katungkulan


Kakayahan kung iba iba

Akin kontrolado

Sa akin ang desisyon

Kung paano gagamitin


Apoy na malupit

Na puno ng galit

Lahat ng bagay 

Ay kayang, abuhin


Abo ng pag kalaho

Ay Kayang malilok

Tao, hayop o kahit

Anuman akin isipin


Hangin ng lahat

NagbigayBuhay satin 

Kaya kong pagalawin 

Na di niyo na papansin


Tubig ng buhay

Dalisay sa lahat

Kayang mag linis

Ano mang kasalanan


Marami pa kakayahan

Ang aking kayang gawin

Sa portal na katuon 

Upang di mabahiran ng galit


Sa pagsapit ng Gabi

Gabing pagbubukas

Hayaan ngang masagi

Ng mata ang hinagap


Gabi nga itong susubok

Sa sampalatayang gapok 

Mayroong Aral na Dulot

Ang gabi ng mga takot


Sa pagsuko sa guniguni

Sa pagbangon sa muni 

Mahahagip ngang iwiI

Sang totoong di maitanggi


May mundo pang umiiral

Maliban sa daigdigan 

At doon ang kaganapan

Lahat ay kababalaghan!


Amin layunin

Makahanap ng kapalit

Sa mga mortal na dating haligi

Namaalam na muli. 


Ang portal ay di tumatanda

Mahiwaga at dapat ingatan

Mga bantay na mortal 

Maikli ang buhay


Binigyan ng basbas upang mabuhay

Mabuhay sa pangalawang pag kakataon

Na maging tulad namin

Sa kanyang pag silang


Sunod na papalit sa amin

Upang portal ay manatiling dalisay

Matiwasay at mabuting daanan

Upang di magamit sa huwad na pamaraan

Dahil ang portal ang tanging daan ng mag kaibang mundo

Talaang TulaKde žijí příběhy. Začni objevovat