6. XXXVI - Rizzele (Sis)

0 0 0
                                    

Sa mga pagsubok mo sa buhay
Ako'y iyong kaibigan minsan gumagabay
Mga maikling ala-ala sa atin alay
Masaya naman kahit ito ay gamay

Kaibigan ko Rizzelle Ramos
Sa panaginip ako ay napahilamos
Tila isa bangongot na hindi matapos
Saksi ako kung paano ka ginapos

Ikaw ay isang puting kalapati
Nagliliwanag sa kinang at puti
Sa pagdapo mo sa hardin pa'ti
Lahat sayo sa titig ay nakangiti

Isang Ginoo sa'yo ay lumapit
Wangis nito ay tila langit
Kapintasan 'di makitang pangit
Sa tikas n'ya t'yak ikaw lalapit

Ginoong may dalang tradisyunal na gawain
Bitbit ang isang sako bigas at inumin,
Tatlong Rosas na pula ikaw ay susuyuin
Handa s'yang ipagsibak ng kahoy sa atin

Higit pa sa lima ang iyong manliligaw
Sa ganda mo ay lahat ay napupukaw
Lahat sila balak ka ng panliligaw
Sa puso mo lahat sila nang-aagaw

Habang ang lahat ay nakapila
D'yan sa puso ko ganda'y dakila
Ako na iyong kaibigan na tala
Suportado ka sa mga na piling tula

Sa pagdaan ng ilan araw at buwan
Ako ay nagulat sayong nilaaan
Ikaw ay lumipad sa isang tahanan
Upang ihayag ang pusong napalanunan

Dumaan ka sa harap at sumama ka agad,
Hindi mo sinuri ang ugaling hinahangad
Naniwala ka na s'ya ang magpapaunlad
Sa mga plano pangarap ng mapalad

Ngunit buwan at taon din ang nagdaan
Ayaw mong mabasa ng luha ang iyong pakpak.
Pagsisi ay sa akin mo inihayag ng laan
Puso mo ay kanyang sinira at tinapak

Ito ang bangongot na sinasabi ko
Hindi ako sigurado pero ramdam ko
Ayoko man putulin ang kasiyahan mo
Dahil saksi ako sa ngiti sa mukha mo

Mula sa kalapati ikaw ay nag bago
Nakita ko tila isa ka ng rosas na sugo
Rosas, na dapat ingatan ang puso
Nang hindi ka matulad sa akin berso

Talaang TulaWhere stories live. Discover now